Connect with us

Entertainment

Matteo Guidicelli, Ini-enjoy Ang Bawat Sandali Na Kasama Ang Asawang Si Sarah Geronimo Habang Naka-Quarantine

Published

on

Matatandaan na naging kontrobersyal ang kasal ng singer na si Sarah Geronimo at aktor na si Matteo Guidicelli, ngunit dahil sa tunay at wagas na pagmamahal nila sa isa’t isa, nagawa nilang malagpasan ang mga pagsubok na kanilang kinaharap. At ngayon nga, matapos ang ilang buwan ng kanilang pag-iisang dibdib ay nakamit na nila ang isang masayang pagsasama bilang mag-asawa. Na mas lalo namang naging mas malapit sa isa’t isa ngayong panahon ng quarantine.




Ang pagkakaroon nga ng masayang married life ay labis namang ipinagpapasalamat ni Matteo, na ayon sa aktor ay isa sa mga pangarap niya na natupad na.

At ngayong nasa gitna ng pandemic ang bansa at sumasailalim sa quarantine, palaging kasama ni Matteo ang asawang si Sarah at mas nakapaglalaan sila ng maraming oras isa’t isa. Maliban dito, habang magkasama sa kanilang tahanan ay nakakabuo rin sila ng mga masasayang ala-ala.

Palagi silang magkasama sa loob ng kanilang tahanan, maliban na lamang, kapag kinakailangang magtungo ng isa sa grocery store upang mamili ng kanilang mga kailangan sa bahay.

Sa isang panayam naman ng ABS-CBN News kay Matteo sa pamamagitan ng isang virtual press conference, ipinahayag ni Matteo na sa pagdaan ng bawat araw na kasama ang asawa sa loob ng kanilang tahanan ay marami siyang nadidiskubreng bago sa katauhan ni Sarah.

“Marami. I think every single day is a blessing. Every single day, I am so thankful that I get to sleep and wake up beside her. Up to now, it’s still a dream,” aniya.

Mas lalo pa silang nagkaroon ng bonding ngayon at ang bawat sandali ay puno ng kaligayahan. At ang pinakagustong bonding ni Matteo na kasama si Sarah ay ang pagluluto, pag-eehersisyo, pakikipaglaro sa kanilang mga alagang aso, at pag-uusap ng mga simpleng bagay.




Ayon naman kay Matteo, hindi pa nila alam noong umpisa kung ano ang gagawin at magiging everyday routine nila. Ngunit, kalaunan naman ay nakagawa na sila ng mga bagay ng maaaring gawin sa araw-araw habang sila’y nasa loob ng kanilang tahanan.

Pagdating naman sa pagbuo ng pamilya o pagbuo ng baby, sinabi naman ni Matteo na wala pa silang balak magkaroon ng supling dahil bagong kasal pa lamang sila at nais umano niyang i-enjoy ang bawat sandali ng buhay na kasama ang kanyang asawa na si Sarah.




At ngayong wala pa silang planong magkaanak, ang tanging prayoridad ni Matteo ngayon ay si Sarah na talagang mahal na mahal niya. Dahil nga kasal na sila, ninanamnam niya muna ang bawat sandali sa piling ng asawa at nais niya lamang iparamdam ang kanyang tunay at wagas na pagmamahal kay Sarah.

error: Content is protected !!