Connect with us

Entertainment

Matapos ang Kinaaliwan Niyang Live Selling, Mariel Padilla Naghatid ‘Good Vibes’ na Naman sa Latest Live Niya sa Social Media

Isa na namang panibagong live ni Mariel Padilla sa social media ang ngayon ay naghatid ng good vibes sa marami, at ito ay dahil sa kanyang naging epic na rekasyon nang mahulog ang electric fan habang siya ay nagla-live.

CREDITS: Mariel Padilla| IG

Matatandaan na noong nakaraang linggo, ay nagbigay aliw si Mariel sa maraming mga netizens sa naging kauna-unahang live selling na kanyang ginawa, kung saan ay ibinenta nga niya ang mga personal collections niya sa talaga namang bagsak presyo na halaga. Ilan nga sa mga naibenta niya ay ang kanyang mga ilang mga mamahaling bag at sapatos na halos hindi niya nagamit, at ang iba ay talaga namang brand new pa.

CREDITS: Mariel Padilla| IG

Agad ngang pinag-usapan sa social media ang unang live selling ni Mariel, kung saan halos 7-milyon nga ang naging viewers nito sa pinagsamang social media platform na Facebook at Instagram. Ikinatuwa ng maraming viewers ni Mariel ang pagiging energetic niya habang nagla-live selling, na tila ba siya’y nagho-host pa rin sa isang programa.

CREDITS: Mariel Padilla| IG

At nito lamang ngang ika-20 ng Marso araw ng Linggo, ay muli ngang nagkaroon ng live sa kanyang social media account si Mariel, at ito ay para sa pamamahagi nga niya sa mga followers niya ng mga bike, kung saan ay sampung followers nga niya ang maswerte niyang mabibigyan nito.
Ayon kay Mariel ang pamamahagi niya ng bisikleta ay pasasalamat niya sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanyang negosyo.

CREDITS: Mariel Padilla| IG

Muli namang ipinamalas ni Mariel sa pagla-live niyang ito ang kanyang napakataas na energy, kung kaya naman marami na naman nga ang nanood sa kanya. Ngunit hindi lamang nga ang nakakaaliw at napakataas na energy ni Mariel ang kinaaliwan ng marami niyang viewers sa pagkakataon na ito, dahil ikinatuwa din ng marami ang naging epic na reaksyon niya matapos mahulog ng electric fan na ginagamit niya habang siya ay nagla-live.

CREDITS: Mariel Padilla| IG

Dahil sa nakaka aliw na rekasyon ni Mariel, ay agad ngang nag-meme sa TikTok ang video niyang ito, habang pinapaayos nga ang kanyang electric fan na gamit.

Samantala, isang TikToker naman ang gumawa kaagad ng pharody video at ginaya nga nito si Mariel, lalo na ang nakakaaliw na reaksyon nito. Isa naman sa mga naaliw sa pharody video na ito ng netizens ay ang mismong mitser ni Mariel na si Robin Padilla, kung saan at ibinahagi pa nga ng batikang action star sa kanyang IG post ang naturang video.

CREDITS: Mariel Padilla| IG

Ayon sa naging caption ni Robin sa ibinahagi niyang video, magmula nga umano ngayon ay ang TikToker ng si Jules Eusebio ang paborito niya, ito ay dahil sa talaga namang kuhang-kuha nito ang pang gagaya na ginagawa nito sa misis niyang si Mariel, lalo na pagdating sa pag-arte ng mukha.

Marami namang mga netizens ang nagpaabot ng kanilang kasiyahan at kung paano sila tunay na naaaliw sa tuwing napapanood nila ang video ni Mariel, dahil talaga namang good vibes ang hatid nito sa kanila.

error: Content is protected !!