Connect with us

Inspiring

Masdan: Pangarap Na ‘Dream House’ Ni Kathryn Bernardo Sinimulan Na Ang Konstruksyon

Published

on

“Building my dream home with symmetrical design of happiness is the biggest goal of my life – Yeshfin Idris”, tunay nga na maituturing na isang malaking achievement ang pagkakaroon ng sarili mong bahay. At sa unti-unti nitong pagkabuo ay kakaibang kaligayahan ang iyong mararamdaman.




At para sa aktres na si Kathryn Bernardo sobrang kasiyahan ang kanyang nararamdaman sa kasalukuyan na matapos ang ilang panahong paghihintay niya at ng kanyang pamilya ay magagawa na niyang pasimulan ang pagpapatayo ng matagal na nilang pangarap na bahay.

Photo credits: Kathryn Bernardo | Instagram

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi niya ang bagong achievement na kanyang naabot,

“bernardokath March 9, 2020. Day 1. Ground breaking of our new home.❤️
The construction of our dream home has officially begun. I still can’t believe it’s finally happening after 3 years of planning!??“, caption pa dito ng Kapamilya artist.

Nitong ika-9 ng Marso ay nagpunta ang magandang aktres kasama ang pamilya at ang kasintahan na si Daniel Padilla sa construction site kung saan itatayo ang ‘dream house’ ni Kathryn. Sa nasabing araw ay isinagawa ng celebrity couple kasama ang pamilya nito ang ground breaking para sa pagsisimula ng konstruksyon nito.

Photo credits: Kathryn Bernardo | Instagram



Sa isang panayam sa dalagang aktres sa isa sa kanyang product endorsement ay inamin niya na matagal na niyang plano ang pagpapatayo ng kanyang ‘dream house’,

“Hindi joke magpagawa ng bahay. Siyempre, kung may gusto akong ibigay kay Mama na dream house, iyong dream house na niya.So magtatrabaho pa ako and, hopefully, maka-start iyon soon kasi tatlong taon nang nandun iyong lupa. Sabi na lang namin, someday, uunti-untiin natin iyan”, paglalahad pa ng dalaga.

Photo credits: Kathryn Bernardo | Instagram

Inamin din ng “The How’s of Us” aktres na matagal na niyang pinag-iipunan ang pagpapatayo nito mula ng mabili niya ito tatlong taon na ang nakararaan. Ibinahagi din ng dalaga na inilihim niya sa ama ang pagbili nito at talagang nagulat ito sa unang pagkakataon na ipinakita niya ito dito. Samantala, nais naman ni Kathryn na masunod ang kagustuhan ng ina sa magiging kalalabasan ng kanilang pangarap na tahanan.

Photo credits: Kathryn Bernardo | Instagram




Ilang mga kapwa artista ang nagpaabot ng pagbati sa panibagong achievement ng kasamahan nilang si Kathryn,

“therealangellocsin Congratulations, Kath! So proud of you!”,
“gabbi THIS IS ITTTT! Para sa bahay 2020! ❤️
Congrats Kath!”,
“ria YAAAAAY ??? congrats Katreng!!”,
“iammajasalvador ?????? ??????Congrats Beb!❤️“,
“juanmiguelsevero AAAAAHHHH!!!! ?CONGRATS BB!”.

error: Content is protected !!