Connect with us

Inspiring

Masdan: Mga Larawan Ni Zaijan Jaranilla Ngayong Ganap Na Siyang Binata

Published

on

Sino ba ang hindi humanga sa batang aktor na gumanap sa karakter na Santino sa Kapamilya pantaserye na ‘May Bukas Pa’. At talagang hindi natin malilimutan kung paano niya nabigyan ng tamang pagganap ang kanyang karakter sa kabila ng kanyang mura pang edad.




Sa pambatang programang Goin’ Bulilit noong taong 2008 unang nasilayan ang angking galing ni Zaijan sa kanyang acting career. Sumunod noon ay naging kabahagi na din siya ng ilang mga programang sa ABS-CBN katulad ng “I Love Betty La Fea” at ng “Komiks Present: Tiny Tony”.

Taong 2009 ng bumida siya sa kanyang pinaka-unang lead role bilang Santino sa pantaserye na “May Bukas Pa”. Dito ay gumanap siya bilang isang bata na may kakayahan na magpagaling at maghatid ng mga himala sa munting bayan ng Bagong Pag-asa.

At dahil sa galing niya ay kinuha siya sa ilang pang mga proyekto ilan dito ay Noah noong 2010,Ikaw ang Pag-ibig(2011), Lorenzo’s Time(2012) at gayundin ang Hawak Kamay noong taong 2014. Bukod pa dito ay napasama din siya sa ilang mga episode sa Wansapanataym at Maalaala Mo Kaya.




Mula sa pagkakakilala natin sa kanya bilang Santino ay tuluyan na niyang napatunayan na mayroon siyang malaking puwang sa pagiging mahusay na artista. At sa kasalukuyan ay isa na siya sa mga promising star ng bagong henerasyon ng mga artista.

Nakasama naman ni Zaijan sa Kapamilya pantaserye na “Bagani” ang kilalang celebrity love team na sina Enrique Gil at Liza Soberano.

Bumida na rin ang gwapong binata sa pinaka-una niyang ‘iWant Original Movie’ na Story of my Life isang binata na may problema sa relasyon sa pamilya at naghahanap ng tunay na pag-ibig.

Isa naman sa pinakalatest appearance niya ay ng gumanap siya bilang Reli sa isang episode ng Ipaglaban Mo na pinamagatang ‘Budol’. Inaasahang muling mapapanuod si Zaijan sa pinakabagong teleserye na ‘Ang Sa Iyo ay Akin’ kung saan makakasama niya ang mga kilalang aktres na sina Iza Calzado, Maricel Soriano, Jodi Sta.Maria at aktor na si Sam Milby.




Totoong ganap ng binata ang ating hinangaan na Santino at makikita natin ito sa mga kasalukuyang larawan niya.

error: Content is protected !!