Masdan: Bukod Tanging ‘Bear Themed’ Christmas Tree Ng Aktres Na Si Kathryn Bernardo Na Gawa Ng Isang Kilalang Event Stylist

Ilang araw na lang ay pasko na at kabi-kabila na ang patugtog ng mga awiting pamasko para sa natatanging panahon sa ating bansa. Marahil ay marami na ang abalang-abala sa pag-iisip kung anung kakaibang pakulo sa nalalapit na kapaskuhan. Mula sa mga regalong ipapamahagi para sa mga kaibigan, inaanak at maging sa pamilya hanggang sa mga dekorasyong ipapalamuti sa tahanan.

Sa panahong ito masasabing mula sa mga simpleng tao hanggang sa mga kilalang tao ay masaya ng inaabangan ang pagsapit ng araw na ito. At ilan nga dito ay ang ating mga iniidolong artista na sa tuwing sasapit ang nalalapit na holiday season ay masayang nagbabahagi din ng kanilang ginagawang paghahanda upang makibahagi sa masayang okasyon.



Isa na sa kanila ay ang kilalang artista na si Kathryn Bernardo na masayang ibinahagi ang kanyang kakaibang dekorasyon sa bahay. At hindi katulad nakaraang taon bukod sa mga pangkaraniwan na na palamuting pampasko isang kakaibang christmas tree ang pasadyang ginawa niya bilang pagdiriwang nilang magpapamilya sa espesyal na araw.

Sa kanyang Instagram account ay makikita ang bukod tanging christmas tree na punong puno ng mga white bear na stuffed toy,

“Finally feeling Christmas spirit inside our home! These polar bears are simply the cutest things to wake up to every morning! 😻 Thank you @gideonhermosa for making time despite your busy schedule. Everyone’s feeling merrier now!❤️🌲” caption pa ng “The Hows of Us” actress.

Ang naturang ‘bear themed’ Christmas tree ay sariling design at gawa ng sikat na event stylist na si Gideon Hermosa na kilalang event designer ng mga sikat na celebrity. Sa katunayan si Gideon din ang naging event decorator ng engrandeng kasalan nila Coleen Garcia at Billy Crawford na talaga namang masasabing sobrang kakaiba at walang katulad ang ganda.



Sa kabilang banda, masaya namang ibinahagi ng designer na si Gideon ang larawan nila ni Kathryn habang ginawa nilang background ang nakakamanghang dekorasyon,

“gideonhermosa You guessed it right! The owner of our #Gideonized ✨ magical Christmas tree🌲 is the one & the only queen @bernardokath 👸 On behalf of Me & Kath, We would like to wish you endless joy this coming holiday season! 🎀🎊”, pahayag pa ng sikat na designer.

Ilang mga sikat na personalidad at netizen ang nagbigay ng paghanga sa kakaibang Christmas tree ng “Hello, Love Goodbye”actress katulad nila,

“piawurtzbach Omg these look so good ❤️❤️😍”,
“bodybymamakat Undefeated 💖 @gideonhermosa 😍 hey @bernardokath when nga ulit Christmas party? Lol! You know ham really looks like pablo now!”,
“archiecarrasco Sooooo nice ❤️❤️❤️”, “drshannenkirstie Bear-nardo’s 💙”.