Connect with us

Entertainment

Masdan Ang Napakagandang Tahanan Ng Magkapatid Na Ivana At Mona Alawi Sa Pilipinas

Published

on

Sa dami ng kilalang mga personalidad ngayon na talagang mahusay sa kanilang mga nakakawiling kahusayan pagdating sa larangan ng pag-arte sino ba namang manunuod ang hindi sa kanila lubos na mapapahanga. At higit pang nakakatuwang pagmasdan na ang ilan sa ating mga iniidolo ay magkapamilya pala at handang suportahan ang bawat isa.




At katulad ng magkapatid na Mariam Al-Alawi at Mona Al-Alawi na mas kilala bilang sina Ivana at Mona ay talagang pareho nilang pinabibilib ang kani-kanilang mga tagahanga sa kanilang mga sari-sariling kakayahan. Kilala si Ivana pagdating niya sa galing sa pagba-vlog sa katunayan isa na siya sa pinakakilalang YouTube vlogger sa kasalukuyan at mayroon na siyang milyun-milyong mga subscribers at mga followers. Bukod pa dito ay sumali na rin siya sa Starstruck noong taong 2015 at kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang Kapamilya talent.

Samantala, ang nakakababata naman niyang kapatid na si Mona na mas kilala sa pangalan na Mona Louise Rey ay isa ng kilalang Kapuso artist. Ilan na sa kanyang mga pinagbidahang proyekto ay ‘Aso Ni San Roque’ isang pantaserye kung saan nakasama niya ang mga batikang artista na sina Angelika Dela Cruz, Gardo Versoza at Pen Medina. Bumida rin siya sa teleseryeng ‘Munting Heredera’

Sa bahaging ‘Hows Ur Home’ ng Kapuso show na Mars ay itinour ng batang aktres ang mga manunuod sa loob ng kanilang magandang tahahan. Sa pagbungad palang sa house tour sa bahay nila Mona ay kapansin-pansin na ang maaliwalas na sala na mas lalo pang pinatingkad ng isang kulay pulang sala set. Sumunod naman niyang ipinakita ang maluwang nilang kusina naabutan pang kasalukuyang nagluluto ng stake ang inang si Christine Rey at ayon pa sa ‘Hindi ko kayang iwan ka’ cast ito ang kanyang pinakapaboritong pagkain sa lahat.




Masaya namang pinasilip ng 15 taong gulang na batang aktres ang loob ng kanyang sariling kwarto kung saan mayroon siyang malalaking stuffed toys sa kanyang higaan. Ibinahagi rin niya ang kwarto ng kanyang ate Mariam(Ivana) kapag pumupunta ito upang makasama sila gayundin ang ‘Game Room’ na pinakagusto nilang magpapamilya kung saan nagkakasama sila magpapamilya upang magbonding.

Ilang mga netizen na ang napahanga sa magandang tahanan ng kanilang mga idolong sina Mona at Ivana hindi lamang dahil sa kagandahan nito bagkus dahil naroroon ang bawat miyembro ng kanilang masayang pamilya upang suportahan at ipakita ang kanilang pagmamahalan sa isa’t isa.

error: Content is protected !!