Masayang Nagbakasyon Sa Bohol Ang Pamilya Nina Melai At Jason Francisco

Oras ang masasabi nating pinakamahalagang bagay sa mundo na dapat nating pahalagahan at gamitin sa tama sapagkat kapag ito ay lumipas hindi na natin maibabalik pa.

Photo Credit: Melai Cantiveros – Francisco Instagram

Masarap sa pakiramdam kapag marunong tayong humawak ng oras at inilalaan ito sa ating mga mahal sa buhay.



Maraming maaaring gawin sa mga bakanteng oras natin habang tayo’y nabubuhay sa mundo. Maaari nating gamitin ito sa pamamasyal kasama ang ating pamilya habang maliliit pa ang mga anak natin.

Photo Credit: Melai Cantiveros – Francisco Instagram
Photo Credit: Melai Cantiveros – Francisco Instagram

Matatawag narin na quality time ng isang pamilya ang pamamasyal kahit simple lamang ito, ang importante ay magkakasama kayo at masayang ninanamnam ang bawat sandali.



Kagaya na lamang mag-asawang nagmula sa bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Nagsimula ang kanilang pag-iibigan sa programang ito ng ABS-CBN at nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng dalawang magagandang anak at ngayo’y masayang masaya na bilang isang buong pamilya. Mapapanood rin si Melai sa ABS-CBN sa programang Magandang Buhay bilang isang host.

Sa Instagram Account ni Melai ay kanyang binahagi sa mga netizens ang masayang pamamasyal ng kanyang pamilya sa Bohol. Masaya nilang pinuntahan ang mga kilalang tourist destinations sa Bohol. Pinaglaanan ng oras ng bawat isa ang kanilang bakasyon habang maliliit pa ang kanilang mga anak. Kahit busy sa kanilang mga trabaho ay nagawa parin nilang magkaroon ng quality time upang magbonding kasama ang mga mahal nilang anak.

Photo Credit: Melai Cantiveros – Francisco Instagram

Unang-una sa listahan nila ay ang sikat at napakagandang Chocolate Hills na talaga namang makikita sa kanilang larawan na enjoy na enjoy na makita at marating ito.

Pinuntahan rin nila ang Loboc River na sadyang nakakabighani rin ang tanawin. Hindi maitatanggi ang saya ng kanilang mga mukhang nasa larawan na talaga nga namang nag-enjoy ang mga ito.

Photo Credit: Melai Cantiveros – Francisco Instagram



Samantala, ito naman ang caption niya sa kanyang Instagram post:

“ChocolateHills2019❤🙏 Thank you Lord #MelasonFamilyIto naman ang komento ng mga netizens ng makita ang larawan ng kanilang masayang pamilya habang namamasyal:

“HAPPY NEW YEAR IDOL CUTE NG MGA ANAK MO GOD BLESS”

“Sana baby boy naman para masaya, GODBLESS po sa iyong pamilya Melai at mag-ingat sa byahe 🙏🙏🙏 miss qna ung mga bundok”

“Melai ang ganda pla ng view dyan sa Bohol..ang gganda nio”

“Godbless your marriage”

Masasabing naging simple ang kanilang bakasyon ngunit hindi nito matutumbasan ang sayang kanilang naranasan habang sila’y magkakasama.