Connect with us

Entertainment

Masayang Nagbakasyon ang Pamilya nina Coleen Garcia at Billy Crawford sa La Union Kasama ang Napaka cute nilang si Baby Amari

Ramdam na ramdam na nga ang summer saanmang dako ng bansa. Kaya naman, ang hanap ng marami ay isang masayang bakasyon sa beach upang makapag-relax at mag-swimming.

At dahil nga, ang summer naman talaga ay para sa masayang bonding ng pamilya, para mag-enjoy at mag-relax, ay hindi mawawala sa bawat pamilya ang magtungo sa beach.




Kaya naman, ang pamilya ng mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia, ay nagtungo sa beach kamakailan. At sa bawat bakasyon nga nila, ay hindi rin siyempre mawawala ang napakacute nilang anak na si Baby Amari. Si Baby Amari na siyang nagsisilbing happy pill ng mag-asawa saan man sila magpunta.

Photo credits: thecrawfords | Youtube

Para nga sa masayang bakasyon ng celebrity couple ay nagpasya sila na sa napakagandang lugar ng La Union magkaroon ng unforgetable trip ang kanilang pamilya. Sa vlog ng kanilang pamilya na “The Crawfords”, ipinasilip ng mag-asawa ang masayang kulitan at bonding ng kanilang pamilya na binigyang kulay ni Baby Amari.

Photo credits: thecrawfords | Youtube

Base sa video, ay isang beach resort sa San Juan, La Union sila tumuloy upang madama ang masarap na bakasyon. Makikita nga na talagang enjoy enjoy ang kanilang pamilya habang nagrerelax at dinadama ang sariwang hangin mula sa beach. Bukod sa paliligo sa dagat, ay nag-enjoy rin ang bawat isa sa kanilang masarap na pagkain.

Photo credits: thecrawfords | Youtube

Samantala, makikita naman ang dedikasyon ni Coleen sa pag-aalaga kay Baby Amari na talagang masayang-masaya habang kinakarga anak. Nakita ring matyagang nagpapa-breast feed si Coleen kahit maraming tao habang nakatakip ng breastfeeding cover. Mapapansin naman ang mga kalmot ni Coleen sa kanyang dibdib dahil sa matalas na kuko umano ni Baby Amari.

Photo credits: thecrawfords | Youtube

Kinagiliwan naman si Baby Amari ng kanilang kamag-anak na talagang namang gigil na gigil sa kacutan nito. Ngunit, higit namang nanggigil ang mag-asawang Coleen at Billy sa kacutan ng kanilang anak nang magkaroon sila ng bonding moments.




Sa video mapapanood na ibinunyag ni Coleen na ang paboritong nursery rhymes ni Baby Amari ay “Go Ants Marching”. Ayon nga sa aktres, ay hindi siya tumigil sa kakakanta ng “Go Ants Marching” habang nasa biyahe sila mapatahimik lang si Baby Amari.

Photo credits: thecrawfords | Youtube

At sa video nga, ay nagsample si Coleen ng napakacute na reaksyon ni Baby Amari sa tuwing maririnig ang kanta. Nang kumanta nga si Coleen na sinabayan pa ni Billy, ay tahimik na nakikinig si Baby Amari kung saan ay tumatawa pa. Ngunit, kapag tumigil sa pagkanta ang kanyang mga magulang, ay bigla na lang humihikbi at umiiyak si Baby Amari.

Matatandaan naman, na minsang ng ibinahagi ni Coleen, ang unang beses na nakaranas si Baby Amari na madama ang buhangin sa munting mga paa nito. Talaga nga namang sa bawat milestone ni Baby Amari ay nakasubaybay ang mag-asawang Coleen at Billy.

error: Content is protected !!