Connect with us

Entertainment

Masayang Bonding Moments ng Mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto Kasama si Baby Tali sa Isang Tiktok Video, Kinagiliwan ng mga Netizens

Talaga nga namang marami na ang nahuhumaling sa panonood at pagsayaw sa Tiktok kung saan ay kumakasa rin sa mga nauusong Tiktok dance challenge. Hindi lamang mga netizens ang bigay todo sa pag-indak sa Tiktok kundi pati na rin ang mga sikat na celebrities sa showbiz. At ang ibang celebrities ay ang pagti-Tiktok na nga ang kanilang nagiging bonding moments kasama ang pamilya na talaga namang nakakaaliw panoorin.




Katulad na lamang nga ng mag-asawang Pauleen Luna-Sotto at Vic Sotto, na kapwa host ng noon time show sa GMA Network na Eat Bulaga. Hindi nga nagpahuli ang mag-asawa na ipamalas ang kanilang dance moves pagdating sa sayawan.

Sa Instagram ay masayang ibinahagi ni Pauleen ang paghataw sa sayaw sa Tiktok kasama si Bossing Vic na todo bigay rin sa nauuso ngayong “Boom Boom Dance Challenge”. Ito naman ang unang pagkakataong nagsama ang mag-asawa sa isang Tiktok video.

“I super love my husband for doing crazy things with me 🤪🤪🤪 Shot this “tiktok” for Eat Bulaga’s opening number today! LOVE YOU @mzet280 🥰✌🏼🤪”

Base sa caption ni Pauleen, ang kanilang Tiktok video ay para sa opening number nila sa Eat Bulaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on

Makikita na bagama’t nahihirapan si Bossing sa pagsunod sa dance steps kay Pauleen, ay todo bigay parin ito sa pagsayaw at hindi ito naging hadlang upang matapos ang sayaw para mabigyan ng kasiyahan ang mga manonood.





Kasama naman sa post ni Pauleen ang ilang larawan kung saan makikitang naki-join rin ang kanilang napakacute na anak na si Baby Tali.

“PS. My daughter’s fine 🤪 The Show Must Go On ang peg ni gurl! Haha”

Makikita nga na talagang nag-enjoy ang pamilya Sotto sa kanilang bonding moments habang sumasayaw ng Tiktok dance challenge. Ang kanila ngang nakakaaliw na Tiktok video, ay kinagiliwan rin ng mga netizens kung saan ay nagbigay ito ng mga samu’t saring reaksyon. May ilan nga na humanga kay Bossing, ang iba naman ay cute na cute kay Baby Tali at may ilan na humanga sa kanilang masayang pamilya.

“So cute Ni Bossing kahit hindi na orient hahaha 🤣 Galing 👏🏻👏🏻”
“Sarap tignan ng pamilya mo Ms .Sotto. Lalo na baby tali super cute.pati po sir Bosing nagenjoy.ingat po plgi💋❤❤❤”
“My favorite fambam!❤❤❤more videos to come like this one.nakaka good vibes.🥰”

error: Content is protected !!