Connect with us

Entertainment

Masayang Bonding Moments ng Mag-amang Philmar Alipayo at 10 Months Old na Si Baby Lilo Habang Magkasamang Nag-susurfing

Published

on

Ang aktres na si Andi Eigenmann ay mas piniling iwan ang mundo ng showbiz upang makasama ang kanyang pamilya at masayang manirahan sa probinsya. Ang partner ni Andi ay kilala bilang isang mahusay na surfer, siya si Philmar Alipayo.




Masayang nagsasama ang dalawa at kanilang pagmamahalan ay biniyayaan ng isang napaka-cute na sanggol na si Baby Lilo. Bagama’t simple at tahimik ang kanilang pamumuhay, makikita naman na masayang-masaya ang pamilya sa buhay na mayroon sila ngayon.

Si Baby Lilo ay 10 buwang gulang na ngayon at hindi maitatanggi na mahal na mahal siya ng kanyang mga magulang. Madalas mag-bonding ang pamilya, lalo na ang mag-amang Philmar at Baby Lilo. Kamakailan nga ay naghatid ng goodvibes sa mga netizens ang bonding moments nilang mag-ama.

Sa Instagram ni Philmar, ibinahagi niya ang isang video kung saan makikita na masayang nag-bobonding ang mag-ama, ito ay ang pag-susurfing ng magkasama. Nakakatuwa na hindi man lang natatakot sa tubig si Baby Lilo kaya naman naging swabe ang unang surfing bonding nilang mag-ama. Hindi maikakaila na nagmana si Baby Lilo sa kanyang mga magulang na mahilig rin sa dagat.




“Lilo’s first surf with Papa. So happy! Lilo’s first surf at 10 months. Can’t wait for more surf with me. Next time better video quality,” caption sa post ni Philmar.

Si Andi ang kumuha ng video sa mag-ama habang ang mga ito ay masaya sa kanilang bonding moments. Hindi naman maitatanggi ang kaligayahan ni Andi para sa kanyang mag-ama at isinigaw pa ang pangalan ng anak.

Bagama’t malabo ang kuha ng video, matatanaw naman na talagang nag-eenjoy si Baby Lilo sa dagat habang nakasakay sa surfing board ng nakatayo at nakadapa.

Nakaalalay naman kay Baby Lilo si Philmar na talagang iniingatan ang kanyang anak. Samantala, masisilayan naman ang tuwa sa mukha ni Philmar habang kasama ang anak sa unang surfing bonding nila. Makikita rin sa video na may ibang kasabayang surfer ang mag-ama.

Matatandaan na nasa sinapupunan pa lang ni Andi si Baby Lilo ay tila inihahanda na siya ng ina upang maging isa ring mahusay na surfer gaya ng ama. Kahit kabuwanan na noon ni Andi ay nagsu-surfing pa rin siya ngunit kasabay nito ay ibayong pag-iingat sa kanyang ipinagbubuntis.

Hinangaan naman ng mga netizens ang kakaiba ngunit masayang bonding moments ng mag-ama.

“Lucky Lilo. Wish there’s a zoom camera to see her facial expressions. She must have the biggest smile,” ayon sa komento ng isang netizen.

error: Content is protected !!