Connect with us

Entertainment

‘Mas magandang maging wais kaysa maarte’: Chito Miranda at Neri Naig, Ibinahagi ang Mensahe na Puno ng Inspirasyon sa Pag-abot ng mga Pangarap na may Kasamang Pagsisikap

Nasaksihan na ng publiko kung gaano kasipag at katiyaga sa buhay ang mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig-Miranda. Kaya naman, hindi na nakapagtataka kung sila ang binansagang “wais na misis” at “wais na mister” sa industriya ng showbiz.

Talaga nga namang napakamadiskarte at nagtutulungan ang mag-asawa lalo na pagdating sa pagnenegosyo. Maliban nga sa ipinapakitang kasipagan ng mag-asawa, ay naghahatid rin sila ng inspirasyon sa buhay, lalo na sa mga taong nais matupad ang mga pangarap.




At kamakailan nga, ay nagbahagi na naman ng mensaheng puno ng inspirasyon sina Chito at Neri sa mga taong hindi tumitigil sa pag-abot ng mga pangarap na talagang sinasamahan ng sipag at tiyaga.

Photo credits: Neri Naig | IG

Sa Instagram page ni Neri, ibinahagi ng mag-asawa ang larawan nilang dalawa, kung saan nilakipan ng caption tungkol sa pagtupad ng pangarap. Ang nasabing larawan ng mag-asawa, ay kuha sa isang ekslusibong village sa Tagaytay, Highlands.

Saad nga ng mag-asawa sa caption ng kanilang post,“Balang araw magiging member din kami dyan at ‘di na kami pahintuin ng mga guards at tanungin kung anong pakay namin.”

Photo credits: Neri Naig | IG

Paglalahad naman ng mag-asawa, ang dahilan ng kanilang pagpunta sa nasabing lugar, ay upang ideliver ang kanilang mga paninda. Binigyang diin rin ng mag-asawa na hindi sila nahihiya sa kanilang mga produktong ibinibenta kung ito nama’y makakabili ng mga properties, at ngayong panahon ng pandemya ay mas maganda kung magiging madiskarte.

“More benta pa ng tuyo, beddings, damit, pampaganda, pajamas, suka, accesories, at kung ano pa ang maisipang ibenta. Hindi ko ikahihiya yan kung nakakapag invest naman ng properties.”

Photo credits: Neri Naig | IG

Nagbigay rin ng tips si Neri, upang madaling maabot ang mga pangarap. Ayon nga sa “wais na misis”, ay mahalagang nakafocus lang sa goal.

“Mas magandang maging WAIS sa buhay kaysa maging maarte at ikinahihiya ang magbenta benta! At dapat focus lang sa goal.”




Nakakatulong rin raw ang paglilista ng mga goals na dapat gawin kada buwan upang mas lalong ganahan sa pag-abot nito.

“Naisulat n’yo na ang goal nyo nung January? Natupad naman? Nagawa mo naman? Ok lang yan, umpisahan na lang ngayong February, wala namang karera eh, ang mahalaga ay inuumpisahan at ginagawa.”

Photo credits: Neri Naig | IG

Pahayag naman ng mag-asawang Neri at Chito sa huli, anuman ang goals na nais abutin ng bawat isa sa buhay, ay mahalaga umano na nasimulan at ginagawa ito upang matupad.

“Kanya-kanya man tayo ng goals sa buhay, ang mahalaga inuumpisahan natin, ginagawa, at tinatapos. Tiwala lang.”

error: Content is protected !!