Connect with us

Entertainment

“Marrying the man I prayed for”: Dating Goin’ Bulilit Star na si Trina “Hopia” Legaspi, Ikinasal Na Sa Kanyang Non-showbiz Boyfriend Na Si Ryan Jarina

Matapos ang halos pitong taong relasyon bilang magkasintahan ay tila nga nasumpungan na ng dating Goin’ Bulilit star na si Trina Legaspi o mas kilala ng lahat bilang si Hopia, ang kanyang inaasam na kaligayahan ng puso sa piling ng kanyang asawa na ngayong si Ryan Jarina.

At para nga kay Hopia, ay natupad na ang kanyang dasal na maikasal sa lalaking kanyang pinapangarap. Ang mala-“fairytale wedding” nina Hopia at ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Ryan ay naganap sa Holy Trinity Church nito lamang Sabado, ika-20 ng Nobyembre.

Natupad rin ang pangarap ni Hopia na magkaroon ng isang Ethereal, romantic, at fairy tale wedding kung saan nga ay napapalamutian ng mga puting bulaklak ang simbahan at maging ang reception ng kanilang kasal. At dahil nga mala-fairy tale ang tema ng kanyang kasal, ay tila isa ring dyosa ng kagandahan si Hopia habang suot ang kanyang napakagandang wedding gown.

Ang kanilang pag-iisang dibdib naman ay dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. Naging bridesmaid nga ni Hopia sa kanyang kasal ang kanyang mga kaibigan sa showbiz na sina Liza Soberano at Michelle Vito. Nasaksihan rin ng ilan niyang batchmates sa Goin’ Bulilit ang kanyang espesyal na araw kagaya ninaJohn Manalo, Igi Boy Flores. Naroon rim ang iba pa niyang mga kasamahan sa show na sina Trina Mortiz at Badjie Mortiz.

Hindi naman maikakaila na handang-handa na talagang lumagay sa tahimik sina Hopia at Ryan, dahil bukod sa nasa tamang edad na sila pareho, ay financially ready na rin sila sa pagbuo ng pamilya.

Samantala, matatandaan naman sa isang vlog noong nakaraang buwan ng Oktubre na ibinahagi ni Hopia, na hihintayin muna nilang maikasal bago sila magkaroon ng intimate relationship. Malaki ang paniniwala pareho nila Hopia at Ryan, na mahalagang maikasal muna bago gawin ang pagtatalik, na ginagawa lamang ng mga mag-asawa.

“Marriage is a different thing. If the person is your wife versus a girlfriend, it’s more sacred, more valuable, more precious.”

“She’s gonna be the future mother of your kids. You have to make sure that you treat her with respect and wait until after marriage.”

Pag-amin naman nina Ryan at Hopia, ay hindi rin sila sumubok na mag-live in muna bago magpakasal dahil nga nais nilang maranasan ang buhay may-asawa kapag sila’y kasal na. At dahil nga, araw-araw rin naman silang magkikita, ay hindi naman nila kailangang mag-live in pa.

Si Hopia ay dating Goin’ Bulilit star na kinagiliwan at naghatid ng saya sa publiko noon. Samantalang si Ryan ay president at CEO ng Ark Diversified Inc. na namamahala ng Chevrolet at MG dealership sa Commonwealth, Quezon City.

error: Content is protected !!