Connect with us

Entertainment

‘Married in our living room’: Bianca King, Ikinasal na sa Kanyang Asawa na si Ralph Wintle na Naganap sa Living Room ng Kanilang Bahay

Isa sa pinapangarap ng maraming kababaihan ay ang maikasal sa taong kanilang mahal at nais makasama habang buhay. Kung ang ilan nga, ay talagang nais ang magarbo at engrandeng kasal, may ilan naman na mas nais ang simpleng seremonya at pagdiriwang ng kanilang pag-iisang dibdib kasama ang taong mahal.

Mas mahalaga naman talaga ang pag-ibig sa isa’t isa ng dalawang pusong nagmamahalan kaysa sa engrandeng pagdiriwang. At ngayong panahon ng pandemya, sa halip na magkaroon ng magarbong kasalan ay mas pinipili ng marami ang magkaroon ng simpleng seremonya.

Bukod nga sa pagiging ligtas sa hawaan ng sakit, ay malaking bagay rin ito upang makatipid. At upang isakatuparan ang isang sagradong seremonya ay kinakailangan ng malawak na imahinasyon, para ang simpleng pagdiriwang ay maging engrande kahit saan mang lugar ganapin.

Photo credits: biancaking | IG

Katulad na lamang nga ng dating aktres na si Bianca King na mas piniling maikasal sila ng kanyang asawang si Ralph Wintle sa living room ng kanilang tahanan sa Sydney, Australia.

Noong ika-4 ng Hunyo, araw ng Biyernes nang ibahagi ni Bianca sa Instagram ang larawan nila ng kanyang asawa na kuha sa living room ng kanilang bahay at nilakipan niya ng caption na:

“Married in our living room.”

Marami naman sa mga kaibigan ng dating aktres na si Bang nagpaabot ng pagbati sa pag-iisang dibdib nila ni Ralph. Si Ralph ay kapatid ni Ben Wintle na asawa naman ng aktres na si Iza Calzado. At sa komento nga ni Iza sa post ni Bianca, ay mainit nitong tinanggap sa kanilang pamilya ang dating aktres, na ngayon ay sister-in-law na niya.

“Welcome to the family!!!”

Photo credits: biancaking | IG

Nagpaabot rin ng pagbati ang iba pa niya kaibigan sa showbiz tulad na lamang nina Maxene Magalona, Mariel Padilla, Raymond Gutierrez, ay Iya Villania. Marami naman ang natuwa sa ginawa ni Bianca at ng kanyang asawa na sa living room ng kanilang bahay gawin ang kanilang pag-iisang dibdib.

Samantala, matapos ibahagi ni Bianca sa kanyang Instagram ang larawan ng kanilang kasal, ay nagbigay naman ng kaunting detalye si Bianca sa ginawa niyang paghahanda sa kanilang kasal na idinaan niya sa IG story. Ayon nga sa dating aktres, ang tanging inayos niya sa kanilang living room wedding, ay photographer at hair stylist dahil siya na mismo ang nagdisenyo ng mga bulaklak at nag-ayos ng setup. Siya rin mismo ang nag-make up ng kanyang sarili.

Photo credits: biancaking | IG

Samantalang ang malapit na kaibigan niya naman na si Mari Jasmine, ay maraming ginampanang role sa kanyang kasal. Ito kasi ang tumayong witness to bridesmaid, maid of honor, at nag-iisang babaeng guest.

Simple man ang naging seremonya ng kasal ni Bianca at Ralph, makikita naman sa maga larawang ibinahagi na mahal na mahal nila ang isa’t isa, isang tunay at wagas na pagmamahal.

Photo credits: biancaking | IG

Si Bianca King ay isang mahusay na aktres na unang sumikat sa reality talent competition na StarStruck Batch 1 noong 2004. Mas lalong nakilala si Bianca matapos gumanap bilang Aviona sa fantaseryeng Mulawin.

error: Content is protected !!