Connect with us

Entertainment

Mark Herras, Soon-to-be Daddy narin! Fiancee nitong si Nicole Donesa, 5 Months Preggy na

Sa gitna ng nararanasan nating hirap na dulot ng pandemya, ay hindi parin nawawala ang pagkapositibo at pagkakaroon ng pag-asa nating mga Pilipino. Isa nga sa maituturing na biyaya sa gitna ng pandemya, ay ang mga sanggol na nabuo sa panahon ng pandemya o ang tinatawag na “pandemic babies”.

Marami na sa mga pinoy celebrities ang ibinahagi ang kanilang journey bilang soon to be parents habang nasa gitna ng pandemya. Ang ilan nga sa kanila ay ligtas na nagsilang ng mga cute at malulusog na sanggol. Bagama’t, may pandemya, ang mga munting anghel na ito, ang nagbibigay saya at pag-asa sa bawat isa habang nakakikipagsapalaran tayo sa matinding hamon ng buhay.



At ngayon nga, ang soon to be married couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa ay soon to be parents na rin. Ito nga ay matapos ianunsyo ng celebrity couple sa kanilang Youtube Channel noong araw ng Linggo, ika-13 ng Setyembre, na si Nicole ay nasa limang buwan na pagbubuntis sa kanilang magiging panganay na anak.

Photo credits: MARKNICO HERRAS | Youtube Channel

“We‌ ‌are‌ ‌happy,‌ ‌we‌ ‌are‌ ‌proud‌ ‌and‌ ‌we‌ ‌are‌ ‌excited‌ ‌to‌ ‌tell‌ ‌you‌ ‌guys‌ ‌(Nicole)‌ ‌is‌ ‌pregnant,”masayang pahayag ni Mark.

Paglilinaw naman ni Mark sa mga basher, ay hindi umano ang pagkakaroon ng baby ang dahilan kung bakit sila magpapakasal.

“Pero‌ ‌hindi‌ ‌’yon‌ ‌ang‌ ‌reason‌ ‌kung‌ ‌bakit‌ ‌kami‌ ‌magpapakasal,‌ ‌okay?‌ ‌Nililinaw‌ ‌ko‌ ‌lang‌ ‌sa‌ ‌mga‌ ‌mamba-bash‌ diyan.”

Photo credits: MARKNICO HERRAS | Youtube Channel

Sa kanilang vlog nga, ay masaya nilang ibinahagi sa kanilang mga tagahanga ang magandang balita. Ibinahagi ng celebrity couple prenatal check up ni Nicole noong mga nakaraang buwan. At dahil nasa gitna pandemya, ay matinding pag-iingat ang kanilang ginawa upang maging ligtas si Nicole at kanilang baby sa pamamagitan ng mga safety protocols tulad ng pagsusuot ng facemask at paggamit ng alcohol.

Bagama’t hindi pa nila alam ang kasarian ng kanilang baby, ay pinangalanan na nila itong si “Baby Corky”. Samantala, may kanya-kanya namang nais ang dalawa sa magiging gender ng kanilang baby. Si Mark ay nais magkaroon ng baby boy, samantalang si Nicole naman ay isang baby girl ang hangad.

Photo credits: MARKNICO HERRAS | Youtube Channel

Ibinahagi naman nina Mark at Nicole kung bakit hindi nila agad isinapubliko ang pagbubuntis ng aktres. Ito nga ay dahil nais nilang magkaroon ng privacy lalo na’t ang first trimester ng pagbubuntis ni Nicole ay hindi naging madali.



“Siyempre‌ ‌during‌ ‌this‌ ‌time,‌ ‌it’s‌ ‌nice‌ ‌to‌ ‌keep‌ ‌things‌ ‌private‌ ‌muna‌ ‌especially‌ ‌during‌ ‌the‌ ‌very‌ ‌sensitive‌ ‌stages‌ ‌sa‌ ‌akin.‌ ‌First‌ ‌trimester‌ ‌was‌ ‌so‌ ‌hard‌ ‌for‌ ‌me.‌ ‌Both‌ ‌of‌ ‌us‌ ‌actually,”pahayag ni Nicole.

Photo credits: MARKNICO HERRAS | Youtube Channel

Samantala, ipinagmamalaki naman ni Nicole si Mark sa pagiging isang mabuting soon to be dad sa kanilang baby at sa kanya. Palaging nasa tabi ni Nicole si Mark upang alalayan ito, lalo na sa kanyang paglilihi. At makikita nga na talagang ginagawa umano nito ang lahat bilang paghahanda sa pagdating ng kanilang baby.

“I’m‌ ‌really‌ ‌also‌ ‌proud‌ ‌of‌ ‌this‌ ‌guy,‌ ‌he’s‌ ‌been‌ ‌doing‌ ‌everything‌ ‌he‌ ‌can‌ ‌to‌ ‌prepare‌ ‌to‌ ‌be‌ ‌the‌ ‌dad‌ ‌he’s‌ ‌going‌ ‌to‌ ‌be,” saad ni Nicole.

Matatandaan na nitong June lamang nang inanunsiyo ng celebrity couple ang kanilang engagement. Maliban naman sa dinadala ni Nicole sa kanyang sinapupunan, ay may panganay na anak na si Mark sa dati niyang personal assistant na si Diane Evangelista. Ito nga ang napakaganda niyang anak na nagngangalang Ada Sofia Nicolette Herras.

Congratulations Mark and Nicole!

error: Content is protected !!