Connect with us

Entertainment

Mark Herras Naging Emosyunal Matapos Malaman ang Gender ng Magiging Panganay nilang Anak ni Nicole Donesa

Maliban sa kaligayahan ng pagiging isang magulang, isa rin sa talagang inaabangan at naghahatid ng ligaya sa mga magulang ay ang magiging kasarian ng kanilang munting anghel. Sa sinapupunan pa lamang ay talagang kinasasabikan na kung ang dinadala ba ay isang malusog na baby boy o kaya naman ay baby girl. At sa panahon nga ngayon, ay patok na patok ang gender reveal party, kung saan ay nagkakaroon ng masayang pagdiriwang sa pag-aanunsyo ng magiging anak habang ito’y nasa sinapupunan pa lamang.

At kamakailan nga, isa sa mga couple na masayang nagkaroon ng gender reveal party ay ang soon to be parents na sina Mark Herras at Nicole Donesa. Nito lamang, ika-18 ng Setyembre, nang ibahagi ni Mark sa kanyang YouTube channel ang mga kaganapan sa kanilang simpe at masayang gender party kung saan dinaluhan ng kanilang pamilya.




Dahil nga sa COVID, ay tanging miyembro lamang ng kanilang pamilya ang kasama ng couple sa masayang yugto ng kanilang buhay sa pag-reveal ng gender ng kanilang baby.
Sa video, mapapanood na may kanya-kanyang hawak na small articial eggs sina Mark at Nicole kung saan ay naglalaman ng mga gender reveal riddle katulad na lamang ng “Pink or blue, our dream came true”. Girl or boy, I’m sure either way, you’ll jump for joy.”

At matapos basahin ang lahat ng riddles na nakapaloob sa mga itlog, ay may inabot naman na malaking paper bag kay Mark na naglalaman ng isang malaking itlog. Sa pagbukas nga ng itlog, ay bubungad ang ultrasound ng kanilang baby.

Photo credits: Mark Herras | Youtube

Photo credits: Mark Herras | Youtube

Ngunit, hindi parin mawari kung ano nga ang gender ng kanilang magiging baby dahil sa hindi maipintang mukha ni Mark. At ang aktor, ay tuluyan nang naging emosyunal sa sobrang kaligayahan. Nang tingnan nga, ay nakita ang isang kulay blue na onesies at blue na bonnet. Ibig sabihin lamang nito, ay isang baby boy ang nalalapit nang masilayan nina Mark at Nicole.

Photo credits: Mark Herras | Youtube

Matatandaan na ang talagang nais ni Mark na maging anak ay isang baby boy, samantalang si Nicole naman ay baby girl ang hinahangad. Kaya naman, nang mabunyag na isang baby boy ang parating sa buhay nilang mag-fiancee ay talagang hindi napigilan ng aktor ang maging emosyunal. Apat na buwan na lang nga ang hihintayin ng couple at kanila nang masisilayan ang kanilang baby boy.




Photo credits: Mark Herras | Youtube

Samantala, bumuhos naman ang pagbati mula sa kanilang mga tagahanga na masayang-masaya sa pagkakaroon nila ng baby boy. Narito ang pagbati ng mga ito:

“Congrats to both sana maging masaya kayong pamilya at mahalin ninyong dalawa lagi sarili ninyo at ang inyong magiging anak❤❤❤☺???”
“congrats mark and nicole.. baby boy hawig yan kay mark herras.”
“Congrats sana eh mg patuloy yun mgandang pg sasama nyo,,God bless to both of u.”

error: Content is protected !!