Connect with us

Entertainment

Marjorie Barretto, Pinasalamatan ang Kanyang Anak na si Julia Barretto sa Pagtulong Nito sa Pagpapaaral sa Kanyang Kapatid na si Leon

Proud na ibinahagi ni Marjorie Barretto ang bagong achievement ng kanyang nag-iisang lalaking anak sa dating asawa na si Dennis Padilla na si Leon Baldivia. Isang proud mommy si Marjorie sa kanyang anak na nagtamo ng pitong medalya.

Sa Instagram, ay ibinahagi ni Marjorie ang larawan ni Leon kung saan makikitang nakasuot ng toga habang nakayakap sa kanya. Kasama rin ng mag-ina sa nasabing larawan ang iba pang anak ni Marjorie na sina Dani na anak ni Marjorie kay Kier Legaspi, Claudia at bunsong anak na si Erich. Mapapansin naman na hindi kasama sa larawan ang isa nilang kapatid na si Julia Barretto. Ito nga ay dahil nasa lock-in taping si Julia para sa bago niyang teleserye na mapapanood sa TV5 sa direksyon ni Andoy Ranay at produced by Viva TV, Sari-Sari at Cignal.

Samantala, ang proud mommy na si Marjorie ay ibinahagi sa kanyang post ang mga nakamit na parangal ni Leon sa kanyang pagtatapos. Kahanga-hanga naman talaga ang katalinuhan ni Leon dahil maliban sa nakamit niyang parangal na With High Honors at nakatanggap rin siya ng pitong medalya.

Photo credits: Marjorie Barretto | IG

“My son Leon graduated yesterday with High Honors. 7 medals. Mathematics Award, Social Science Award, Arts Award, Communication Arts Award, Teens Can Award and GAS TOP 2!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by marjbarretto (@marjbarretto)

Pinasalamatan rin ni Marjorie sa kanyang post ang kanyang anak dahil nagawa nitong makapagtapos ng pag-aaral kung saan ay talagang worth it ang hirap niya sa pagtataguyod sa kanyang anak. Ipinaabot rin ni Marjorie ang pagmamahal at pagsuporta niya at ng mga kapatid ni Leon sa nakamit na tagumpay nito.

“Your sisters and I are so PROUD of you! Thank you Leon, for making it all worth it. Thank you God for seeing us throughout the last 14 yrs. Keep going Leon, you are on the right path. We love you so much!”

Photo credits: Marjorie Barretto | IG

Samantala, hindi naman nakalimutang pasalamatan ni Marjorie ang kanyang anak na si Julia na naging katuwang umano niya sa pagpapaaral kay Leon sa magandang paaralan. Ayon nga kay Marjorie, ay hindi niya magagawang mapag-aral si Leon kung wala ang tulong ng aktres.

“And special THANK YOU Julia for helping me put Leon in a good school. I couldn’t have done it all with out your help. You must be so proud too, and missing you so much.”

Agad namang sinagot ni Leon ang magandang mensahe ng kanyang Mommy Marjorie kung saan ay ipinaabot niya ang kanyang pasasalamat.

“Thank you so much mom! Love you always.”

Photo credits: Marjorie Barretto | IG

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami na ang paghihiwalay ni Marjorie at dati nitong asawa na si Dennis Padilla, ay hindi maganda ang kinahantungan, kung saan ay madaming sangkot na isyu. Kaya naman, ang mga netizens ay hindi nakapagpigil na magkomento sa post ni Marjorie tungkol sa graduation ni Leon.

May isang netizen nga na nagbigay payo sa binata, na sana raw ay pasalamatan rin nito ang amang si Dennis Padilla dahil ama parin niya ito kahit anong mangyari.

“@theleonbarretto mag pasalamat ka rin sa tatay mo dahil kung hindi dahil sa kanya wala karin ‘wag mong kalimutan ang tatay mo c Dennis Padilla kht ano pa mangyari tatay mo parin cya, love2.”

May netizen namang nagkomento kung saan ay ipinagtanggol si Leon.

Photo credits: Marjorie Barretto | IG

Saad nito,

“@flower_fiona88 I am a mother pero di ko kailangan i obliga mga anak kong pasalamatan ako sa pagpapalaki ko sa kanila kasi responsibilidad ko mga anak ko ng nagdesisyon akong mag anak.”

“Yung mga bata mga biktima yan sa pagkakamalinng magulang. Kaya huwag niyo silang pulaan if di magpasalamat sa tatay kasi di niyo alam ang pinagdaanan nila.”

“Nagpapasalamat s’ya sa nanay kasi ‘yan ang nandyan sa tabi n’ya mula ng bata di niyo alam kung ano dinanas nila. If si Dennis ba nagbibigay man lang ng sustento sa pag aaral at pangkain nila mula ng iniwan sila. Huwag niyong bash mga anak ni Marjorie.”

Samantala, sa kabila ng maraming nagpakita ng suporta at pagbati kay Leon sa kanyang nakamit na tagumpay ay mapapansin naman na hindi nagpaabot ng pagbati si Dennis sa anak sa nasabing post. Marahil ay ipinaabot nito ang kanyang pagbati sa kanyang anak ng personal.

error: Content is protected !!