Connect with us

Entertainment

Marjorie Barretto, Ipinasilip Ang Napakagandang Private Resort Ng Kanyang Pamilya Sa Bulacan

Isa nga sa talagang pinaglalaanan ng mga sikat na artista ng kanilang kinikita sa pagtatrabaho ay ang makapagpundar ng property. Isa nga itong napakagandang investment na kanilang mapapakinabangan pagdating ng panahon. Katulad na lamang nga ng aktres na si Marjorie Barretto na sa mahabang panahong pananatili sa industriya ng showbiz, ay nakapagpundar siya ng isang napakagandang private resort para sa kanilang pamilya na matatagpuan sa Calumpit, Bulacan.

Photo credits to the owner

At kamakailan lamang nga, ay ipinasilip ni Marjorie sa kanyang latest vlog ang private resort ng kanilang pamilya kung saan sila madalas magbakasyon at magbonding tuwing weekends at sa tuwing may espesyal na okasyon.

Photo credits to the owner

Minsan nang ipinasilip ni Marjorie sa kanyang mga tagahanga ang nasabing private resort sa pamamagitan ng kanyang mga post sa social media. Ngunit, sa kanyang latest vlog na mapapanood sa kanyang YouTube channel, sa unang pagkakataon ay nagkaroon siya ng virtual tour para malibot at masilayan ng kanyang mga tagahanga ang ganda ng private resort na tinawag niyang “River Garden Rest House”.

Ayon naman kay Marjorie, ay nais na niyang simulang ibahagi sa kanyang mga fans ang personal niyang buhay, kaya naman ipinasilip na niya ang napakagandang property na kanyang naipundar. Kwento pa ng aktres, ay nais niyang ibahagi sa kanyang mga fans ang lugar kung saan lumaki ang kanyang mga anak.

Photo credits to the owner

“The reason why I’m sharing this rest house with all of you is that little by little I’m sharing a little bit of my private life with all of you.”

“I’m sharing this special place with all of you because this is where the kids grew up. We shared so many memories here. We’ve shared several photos, but I know you’re curious how it looks.”

Samantala, naibahagi rin ni Marjorie na 23 taon na ang lumipas magmula nang maipatayo niya ang private resort. At sa loob ng 23 taon ay unti-unti niya ngang ipinagawa ang resort kung saan nagsimula lamang sa isang kwarto at hanggang sa makompleto ang mga furnitures nito. At ngayon nga, ay isa na itong napakagandang resort na may apat kwarto at karamihan naman sa mga gamit dito, ay lumang gamit ng aktres.

Photo credits to the owner

“It’s a really small property, don’t be fooled. It’s a really simple property, I just really made the most out of it. Sa hilig ko po sa bahay, dahil mahilig po ako mag-interior, mag-ayos-ayos, little by little, napuno naman namin ito with all of my old stuff.”

Unang ipinakita ni Marjorie ang pavilion kung saan nakatago ang magagandang antique, na talaga namang kanyang pinapahalagahan. Sa pavilion naman sila madalas magbonding ng kanyang pamilya at dito nga sila kumakain ng sabay sa tuwing magbabakasyon sa resort.

Photo credits to the owner

Naikwento rin ni Marjorie sa kanyang vlog na ang perang napanalunan niya sa “Pera o Bayong” na P500,000 ay siya niyang nagamit na pangdown sa pagpapagawa ng swimming pool.

“Nung nabili ‘to siya some 23 years ago, siyempre wala pa namang pera nu’n, so paisa-isa kong binuild. Kwarto muna tapos isang kwarto muna. And then nanalo ako sa ‘Pera o Bayong’ if I remember half a million. So, 500,000. So mayroon pa siyang mga showcase na appliances. So dun sa pera na ‘yun, nag-downpayment ako para gumawa ng pool.”

Photo credits to the owner

Ayon naman kay Marjorie, ang kanilang private resort ay bukas na sa private rentals para sa mga pamilya o magkakaibigan na nais mag-enjoy at magbakasyon.

error: Content is protected !!