Connect with us

Entertainment

Marjorie Barretto, Ipinasilip ang Masayang BBQ Picnic Kasama ang mga Anak; Ipinasyal rin ang kanyang mga Tagahanga sa Kanyang Garden

Mahalaga na magkaroon ng bonding moments ang pamilya paminsan-minsan upang makamusta ang bawat isa at magkasama. At kamakailan nga, ay nagsagawa ng BBQ picnic si Marjorie Barretto kung saan ay inimbitahan niya ang kanyang mga anak. Ito nga ay bilang pagtatapos ng summer season upang magkasama sila na kung saan ay kadalasan nilang ginagawa. Ngunit, dahil nga sa pandemya ay naantala ito at kamakailan lang ng maisakatuparan.

Sa kanyang vlog na mapapanood sa kanyang Youtube channel ay masayang ibinahagi ng aktres ang kanilang bonding moments. At habang naghahanda naman ng kinakailangan sa BBQ picnic ay ipinasyal rin ng aktres ang kanyang mga tagahanga sa kanyang malawak na garden.

Photo credits: Marjorie Barretto | Youtube Channel



Photo credits: Marjorie Barretto | Youtube Channel 

Matapos i-set up ni Marjorie ang lamesa para sa kanilang munting salo-salo ay sinimulan na niyang ipasyal sa kanyang garden ang kanyang mga tagahanga. Nagsimula ang aktres sa kanilang pavilion kung saan makikita ang sofa at mahabang buffet table na ginagamit nila sa tuwing may okasyon. Makikita rin dito ng isang lamesa na gawa sa kahoy, na ayon sa aktres, ay dating pinto at dahil nanghinayang siyang itapon ito, ay ginawa na lamang na lamesa upang mapakinabangan.

Photo credits: Marjorie Barretto | Youtube Channel



Photo credits: Marjorie Barretto | Youtube Channel

Sumunod namang ibinahagi ni Marjorie ang mga halaman at pananim na makikita sa kanyang garden. Una nga, ay ang tatlong puno ng lemon na bigay umano sa kanya. Kahanga-hanga naman ang ganda ng mayabong na kawayan na nagsisilbing pader sa taas nito. Dahil nga sa puno ng kawayan, ay nagkakaroon umano sila ng privacy sa kanilang tahanan.

Photo credits: Marjorie Barretto | Youtube Channel

Makikita rin sa garden ang yucca tree at kalachuchi na paboritong-paborito ng aktres. Ang isang puno ng kalachuchi ay may bulaklak na kulay puti, ang isa naman ay pink. Sa kabuuan, ay napakaganda ng malawak niyang garden dahil sa makikitang mga pananim rito.

Photo credits: Marjorie Barretto | Youtube Channel

Samantala, sa kanilang BBQ picnic naman ay may kanya-kanyang ambag ang mga anak ni Marjorie. Ang kanyang anak na si Dani ay tumulong sa pagluluto ng sausage. Si Julia naman ay nagbigay ng buffalo wings. May burger at tacos rin na mula naman kay Leon. Samantalang ang anak naman ni Marjorie na si Erich ay abala sa paliligo sa mini pool.

Makikita na masayang nagsalo-salo ang mag-anak habang masayang nagkwikwentuhan. At ang mga niluto nilang pagkain mula sa burger at sausage, ay talagang napakasarap.



Makikita naman na talagang malapit sa isa’t isa ang mga anak ni Marjorie. Masaya rin ang aktres na makasama ang kanyang apo sa anak na si Dani. At ang cute na anak nga ni Dani ang naging sentro ng kanilang bonding moments kung saan ay tuwang-tuwa ang mga anak ni Marjorie na laruin ito, lalo na si Julia.

Si Marjorie ay nagkaroon ng 5 anak sa 3 lalaki na kanyang nakarelasyon. Ang panganay niyang si Dani ay anak niya sa aktor na si Kier Legaspi. Sina Julia, Claudia, at Leon naman ay anak niya sa dating asawa na si Dennis Padilla. Ang bunso naman niyang anak na si Erich ay anak niya kay former Caloocan City Mayor Enrico Echiverri.

error: Content is protected !!