Connect with us

Entertainment

Marjorie Barretto, Ibinahagi Na Bukas Na Sa Publiko Ang Kanyang Napakagandang Bahay Bakasyunan Sa Bulacan Na Tinawag Na River Garden Resort

Bagama’t, wala na sa industriya ng showbiz ang aktres na si Marjorie Barretto para ipamalas ang kanyang natatanging husay sa pag-arte, ay hindi naman maikakaila na buhay na buhay parin sa puso at alaala ng kanyang mga tagahanga ang kanyang mga nagawang proyekto.

CREDITS: Marjorie Barretto| YT

Nag-iwan nga ng magandang alaala ang aktres sa kanyang mga tagahanga noong panahon ng kasikatan niya sa showbiz. Kaya naman, hanggang ngayon ay marami parin ang sumusubaybay sa buhay ng aktres. Magmula nang lisanin ni Marjorie ang showbiz ay mas pinili niyang magkaroon ng pribado at simpleng pamumuhay.

CREDITS: Marjorie Barretto| YT

Ngunit, may mga pagkakataon naman na nais niyang ibahagi ang ilan sa mga nangyayari sa kanyang personal na buhay. At pamamagitan nga ng mga video sa kanyang Youtube channel, ay ipinapasilip ni Marjorie ang masasayang kaganapan sa buhay niya para magbigay ng update sa kanyang mga tagahanga.

CREDITS: Marjorie Barretto| YT

At kamakailan lamang nga, ay sinimulan na ni Marjorie na ibahagi ang kanyang pribadong na buhay sa kanyang mga tagahanga na sabik naring masilayan ang buhay niya ngayon. Ibinahagi nga ni Marjorie ang isang vlog kung saan nagsagawa siya ng tour sa kanyang rest house na matatagpuan sa Calumpit, Bulacan.

CREDITS: Marjorie Barretto| YT

“The reason why I’m sharing this rest house with all of you is because little by little, I am sharing a little bit of my private life with all of you,” sabi ni Marjorie.

Habang nililibot nga ang ganda ng kanyang rest house, ay naikwento naman ni Marjorie na napakahalaga ng lugar na ito sa kanilang pamilya dahil dito lumaki ang kanyang mga anak. Kaya naman, talagang marami ang nabuong masasayang alaala sa kanilang private resort na tinawag na River Garden Resort. At ang kanilang masasayang bonding moments na pinagsaluhan dito, ay nasaksihan ng bawat sulok ng lugar.

CREDITS: Marjorie Barretto| YT

“I’m sharing this special place with all of you because this is where the kids grew up. We have so much memories here,” ayon kay Marjorie.

Dagdag pa niya, “We’ve shared several photos but I know you’re curious to see how it looks.”

Mapapansin naman na napapalibutan ang lugar ng iba’t ibang klase ng halaman na nagsisilbi ring dekorasyon para lalong gumanda ito. At kung pagmamasdan nga, ay sadyang napakaganda ng lugar at nakakarelaks rin dito.

CREDITS: Marjorie Barretto| YT

Inamin naman ni Marjorie na nasabing vlog, na bago niya nakamit ang gandang taglay ng private resort ay inabot siya ng 23 na taon. Sa loob nga ng 23 na taon, ay unti-unti niya itong napagawa mula sa perang kinita niya sa showbiz.

CREDITS: Marjorie Barretto| YT

At ngayon nga na tapos na ito, ay masayang ibinahagi ni Marjorie na bukas na ito sa publiko para upahan ng mga taong hanap ay isang masaya at nakakarelakas na bakasyon kasama ang kanilang pamilya o barkada.

error: Content is protected !!