Connect with us

Entertainment

‘Marimar’, Walang Kupas Ang Kagandahan, Pinabilib Ang Batang 90’s Sa Kanyang Mga Tiktok Videos

Published

on

Lahat na marahil ng batang 90’s ay hindi makakalimutan ang sikat na Mexican actress na si Thalia. Pano ba naman kasi makakalimutan ang kagaya ni Thalia na tila hindi kumukupas ang ganda at hindi tumatanda.

Gumanap rin siya sa mga telenovela kagaya ng Marimar, Maria Mercedes, Rosalinda at Maria la del Bario na talagang nagpaantig sa ating mga puso at hinangaan ng marami.




At ngayon nga, muli na naman siyang nagbigay ng kasiyahan sa kanyang mga taga-hanga sa pamamagitan ng kanyang mga nakakabilib na Tiktok videos.

Sa facebook, nagbahagi ang TeamHerbon Official ng mga Tiktok videos ni Thalia. Ang mga kahanga-hangang Tiktok video compilation niya ay nagbigay sa kanyang mga tagahangang Pilipino ng pagkakataong masilayang muli ang kanyang walang kupas na kagandahan. Ngunit, higit namang nasabik ang mga batang 90’s na makita ang napakagandang si Thalia.

“Mga batang 90s, sinong naka-miss kay Marimar, Rosalinda, Maria la del Barrio, at Maria Mercedes? Ito na siya ngayon. Super ganda pa rin. Walang kupas. Kaway-kaway mga batang 90s!”

Talaga nga namang mapapabalik tanaw ka sa nakalipas at maaalala ang kanyang mga telenovela series kapag mapanood ang mga videos na tila muling nagbabalik sa pagkabata. At relate na relate dito ang mga batang 90’s dahil malaki ang naging papel ni Thalia sa buhay nila noon.

Kaya naman, inulan ang kanyang mga Tiktok videos ng mga papuri at paghanga mula sa mga netizens na kung saan ay umabot na ng mahigit 17,000 shares at 20,000 reactions.




Sabi ng facebook user na Ken El Psalmer, tila isa itong bampira dahil hindi man lang tumatanda.

“Now I know vampires are real, Still so beautiful! Philippines loves this lady.”

“OMG, looks like we’re just same age! She still looks as stunning as she was when I was watching her on TV”, sabi naman ng nagngangalang Issah Miranda.

Si Thalia ang isa sa mga pinakamatagumpay na Mexican artist sa buong mundo. Tinagurian rin siyang “Queen of Latin Pop” ng international media dahil sa kanyang mga naging kontribusyon sa Latin pop music tatlong dekada na ang nakakalipas. Isa nga siya sa pinakasikat at kinikilala sa buong mundo, sa katunayan bilang isang solo artist ay umabot na 25 million ang naitalang naibenta niya sa kanyang mga kanta.

Mga Batang 90's sinong nkamis kay MARIMAR, ROSALINDA, MARIA DEL BARRIO at MARIA MERCEDES. Eto na xa ngaun. Super ganda padin.. Walang kupas.. 😍

THALIA (marimar) tiktok compilation 😍Kaway kaway mga Batang 90's.Super ganda pdn. 😘🔥 Ung last part talaga nagdala. Love nia pdn mga pin❤️y.

Posted by TeamHerbon Official on Sunday, 26 April 2020

error: Content is protected !!