Connect with us

Entertainment

 ‘Mariel Padilla’ Sinagot Ang Netizen na Nanghinayang Dahil Babae Ulit Ang Ipinagbubuntis nito Na Si ‘Baby Gabriela’

Published

on

Tunay na isang biyayang maituturing ang pagdating ng isang sanggol sa isang mag-asawa o pamilya. At masasabing nagiging mas higit na masaya ang isang pamilya kapag mayroon na namang isang sanggol na aalagaan at bubusugin ng pagmamahal.

Sa kabilang banda para sa isang ina tunay na hindi mahalaga kung babae o lalaki ang kanyang magiging anak dahil hindi naman nakadepende sa kasarian kung gaano niya mamahalin ang kanyang magiging anak.



Masayang ibinahagi ng ‘It’s Showtime Host’ na si Mariel Padilla sa kanyang Instagram account ang kanyang larawan habang ipinapakita ang tiyan na sa ngayon ay nasa ika-39 na linggo na ng kanyang pagbubuntis at nilagyan niya ng caption na,

“39 weeks!!!! At 9pm i share with you guys how I am preparing for Gabriela’s arrival. It will be up on my Youtube channel!!! Yay!! –btw, I don’t look like this anymore hahahaha”.

Photo credits: marielpadilla | Instagram 

Matatandaang nagkaroon ng problema sa kanyang pagbubuntis ang dating “PBB” host ng sabihin ng kanyang OB Gyne na maliit ang ipinagbubuntis niya na si baby Gabriela at pinayuhan siyang magtake ng maraming protina para lumusog ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Samantala maraming mga tagahanga ang nagpaabot ng mga pagbati at mensahe kay Mariel katulad ni.



“kellymisa Grabe this photo (four heart emoji)”, “chelles_ezt Hi miss mariel. I am also at 39 weeks. And im expecting my 4th baby on the 14th of november. Thru cs.”,
“marizstodomingo Praying for your safe delivery Mariel… God bless –“.

Sa kabilang banda hindi napigilan ng Kapamilya host na sagutin ang isang netizen na nagcomment ng may panghihinayang dahil magiging babae na naman ang kanyang susunod na anak,

“@marieltpadilla ay girl ulit. Sad naman –insert crying emoji”

na nireplayan naman kaagad ni Mariel at hiningan ng paliwanag ang nasabing netizen kung bakit niya ito nasabi,

“How the hell could another sweet baby girl be sad?” pagtatanong pa ni Mariel.

Photo credits: marielpadilla | Instagram

Sa kabilang banda, kaagad naman na nagpaliwanag ang nasabing netizen na wala naman siyang masamang pakahulugan sa nasabi,

“its not what you think. Yeah its angel its a blessing. I thought its a boy. Calm down mariel im a fan of your husband”,

pagpapaliwanag pa nito.



Samantala ipinagtanggol ng mga tagahanga ang 35 taong gulang na proud wife ni Robin Padilla, ilan nga dito ay nagsabing,

“rhytaguiam Whatever the gender -..mahalaga healthy xa. hindi sad kc it is still a blessings prink c bigay Ni God..congrats ms.mariel and mr.robin”,
“marianalissaj Baby boy or girl ,is a beautiful blessings from the heaven.,”,
“nana_manalore anong sad sa girl ulit? Blessing yn ng Diyos – kahit anong gender p yn.. dpt mgpasalamat sa Diyos..“

Masasabing masayang masaya si Mariel sa kanyang pagbubuntis dahil magiging masaya na naman sila sa pagdating ni baby Gabriela at magkakaroon na ng bunsong kapatid ang panganay na anak na si Maria Isabella.

error: Content is protected !!