Connect with us

Entertainment

Mariel Padilla, Namahagi ng Sampung Bagong Bisikleta Bilang Pasasalamat sa mga Sumusuporta sa Kanyang Negosyo

Kamakailan lamang ay naging agaw-pansin sa social media ang dating actress-host at ngayon ay isa ng fullltime mommy na si Mariel Padilla, ito ay matapos nga ang kanyang naging kauna-unahang pagsasagawa ng live selling online kung saan ay agad itong humakot ng napakaraming viewers.

Photo credits: Mariel Padilla| IG

Bagsak presyo kasi na ibinenta ng aktres ang kanyang mga personal collections kung saan ang iba nga sa mga ito ay hindi niya masyasong nagamit at may iba pa nga na talagang bago pa at hindi niya kailanman nagamit.

Photo credits: Mariel Padilla| FB

Tunay namang napakaraming tumangkilik sa unang live selling na ginawa ni Mariel, kaya naman bilang pasasalamat niya umano sa lahat ng mga taga-suporta niya sa kanyang negosyo, ay isa namang napakagandang anunsyo ang kanyang ginawa sa kanyang Instagram account nito lamang nakaraan. Ito nga ay ang magiging pamamahagi niya ng mga bagong bisikleta sa kanyang mga followers na maswerteng mapipili.

Photo credits: Mariel Padilla| FB

Ayon sa naging anunsyo ni Mariel sa kanyang Instagram account, ay magkakaroon nga siyang muli ng live sa Facebook, ito ay upang mamahagi nga ng mga bisikleta bilang pasasalamat nga niya sa lahat ng mga tagasuporta niya.

“I am going live RIGHT NOW on my Facebook page and I am giving aways 10 bikes!!!!! Join me now!!!!”, saad ni Mariel sa kanyang Instagram post.

Kalakip nga ng naturang post ay ang larawan kung saan makikita na nasa likod ng aktres ang napakaraming mga bisikleta, at ang mga ito nga ang siyang mapupunta sa magiging mapalad na followers niya.

Photo credits: Mariel Padilla| FB

Bumuhos naman kaagad sa comment section ng post na ito ni Mariel ang napakaraming komento ng papuri, at ang iba naman ay ikinomento na nawa’y isa sila sa mga palarin na mabiyayaan ng bisikleta na ipamamimigay ng misis ni Robin Padilla.

Photo credits: Mariel Padilla|IG

Samantala, nang maganap na nga ang live na ito ni Mariel sa kanyang Facebook na talaga namang inabangan ng marami niyang mga tagasuporta ay ipinasilip din nga ng aktres ang kanilang bike headquarters kung saan nga makikita sa loob nito ang napakaraming mga bikes na kanyang ipamimigay.

Ibinahagi naman ni Mariel kung ano ba ang mga dapat na gawin ng kanyang mga supoorters at followers upang magkaroon sila ng tsansang manalo ng bisikleta.

Photo credits: Mariel Padilla| IG

Saad niya, kinakailangan nga lamang na ilagay ng mga ito ang kanilang mga detalye tulad ng pangalan, contact number, address at kung bakit sila ang nararapat na manalo ng naaturang bisikleta na kanya ngang ipamimigay. Dagdag na saad pa ni Mariel, huwag din dapat kaligtaan na ilagay ang hashtag na Cooking Ina Giveaways.

Photo credits: Mariel Padilla| IG

Ang team ni Mariel ang pipili sa lahat ng magkokomento na nais magkaroon ng bisekleta. Ayon pa sa ulat na lumabas, hind inga ito ang unang beses na namahagi si Mariel ng bisikleta, dahil pangalawang beses na nga ito na ginawa ng aktres.

error: Content is protected !!