Connect with us

Entertainment

Mariel Padilla, Ipinasilip ang My Little Pony-Themed Birthday Party para sa Dalawang Anak nila ng Kanyang Asawang si Robin Padilla

Hindi lamang nga isa, kundi dalawang mahalagang okasyon ang ipinagdiwang ng mag-asawang Mariel Padilla at Robin Padilla sa loob ng kanilang tahanan. Nito lamang araw ng Linggo, ika-14 Nobyembre nang masayang ipagdiwang ng pamilya ni Mariel at Robin ang kaarawan ng kanilang dalawang babaeng anak na sina Isabella at Gabriella.

Ang araw ng kapanganakan ng mga munting anghel na nagbibigay saya at kulay sa kanilang pamilya, ay dapat naman talagang ipagdiwang at ipagpasalamat. Kaya naman, para sa kaarawan ng magkapatid, ay may inihandang isang ‘My Little Pony’-themed birthday party sa loob ng kanilang tahanan.

Sa Instagram nga ay masayang ibinahagi ni Mariel ang mga kuha ng mga larawan mula sa kaarawan ng kanyang mga anak. Ayon nga sa aktres, ang pagdiriwang ng birthday ng kanyang dalawanga anak ang “highlight” ng taon sa kanilang pamilya. Makikita sa mga larawan na nakasuot si Isabella ng isang napakagandang pink dress, habang si Gabriella ay isa ring napakagandang blue dress ang suot.

Masisilayan rin sa mga larawan ang napakagandang set up ng “My Little Pony’-themed birthday party. At talaga namang napakagandang pagmasdan ng mga makululay na lobo at disenyo.

Samantala, ayon naman sa caption ng kanyang post, ang panganay na si Isabella ay nagdiriwang ng kanyang 5th birthday, samantalang si Gabriella naman ay ipinagdiriwang ang kanyang 2nd birthday. Pinasalamatan rin ng aktres ang mga taong tumulong at naging instrumento para mabigyang katuparan ang masayang pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang mga anak.

“Isabella is 5!!! Gabriela is 2!!! Our ‘My Little Pony’ themed party. The birthdays of my girls are always the highlight of my year. Big thanks to those who made it extra special.”

Matatandaan na ikinasal sina Mariel at Robin noong August 19, 2010 sa Taj Mahal sa Agra, India. Nagsimula ang kanilang pag-iibigan sa noontime variety na Wowowee kung saan ay host ni Mariel at naging guest naman si Robin.

Hindi man nga agad pinagkalooban ng anak matapos ikasal, dahil sa dalawang beses makunan ni Mariel, ang pinakahihintay na biyayang sanggol sa kanilang pagsasama ay ipinagkaloob sa kanila noong November 14, 2016. At ito nga ang panganay nilang anak na si Isabella na limang taong gulang na ngayon na isinilang ni Mariel sa Delaware. Pagsapit naman ng November 15, 2019 ay muling pinagkalooban ang mag-asawa ng isa pang napakacute na baby girl. Ito naman ang kanilang bunsong anak na si Gabriella na dalawang taong gulang na ngayon. Si Gabriella ay ipinanganak naman ni Mariel sa isang hospital sa United States.

error: Content is protected !!