Connect with us

Entertainment

Mariel Padilla, Ipinasilip ang Masayang Care Bear Pajama Themed Party sa Pagdiriwang ng Ika-11 Buwang Gulang ng Bunsong Anak nila ni Robin Padilla

Isang masayang selebrasyon ang naganap sa tahanan ng mag-asawang Mariel Padilla at Robin Padilla kamakailan. Ito nga ay matapos ipagdiwang ng kanilang pamilya ang ika-11 buwang gulang ng kanilang bunsong anak na si Baby Maria Gabriela kung saan ay nagkaroon ng Care Bear Pajama Themed Party.




Ang masayang selebrasyon ay ibinahagi ni Mariel sa kanyang Instagram noong October 16. At base sa mga larawang ibinahagi ni Mommy Mariel, makikita na talagang pinaghandaan ang espesyal na araw ni Baby Gabriela. Ayon naman sa caption ng post ni Mariel, ay marunong na umanong magsabi si Baby Gabriela ng mga naisin nito.

“Happy 11 months my Gabzy Bear!!!! My baby who can already dictate what she wants, where she wants to go and what music she wants to listen to.”

Bagama’t, sa loob ng kanilang tahanan ginanap ang okasyon, makikita naman ang napakakulay na disenyo dahil sa Care Bear themed nito. Maliban nga sa mga makukulay na lobo, ay nakasuot rin ng makukulay na Care Bear pajama onesie ang buong pamilya ni Mariel.

Ipinakita naman ni Daddy Robin ang kanyang pagiging isang supportive Daddy sa kanyang anak, at pati siya ay nagsuot rin ng kulay blue na Care Bear onesie. Makikita nga, na talagang napakacute tingnan ng kanilang pamilya dahil sa kanilang suot na onesie. Masisilayan rin sa mga larawang ibinahagi ni Mariel, ang saya sa ngiti ng bawat isa.

Dahil nga sa pinakitang pagsuporta ni Robin kay Mariel upang maisakatuparan ang masayang birthday ng kanilang bunsong anak, ay lubos ang pasasalamat ni Mariel sa kanyang asawa.

“Big big thanks @robinhoodpadilla for being so game to participate in our Care Bear themed party!!!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla) on

Napakaganda namang pagmasdan ang kanilang dining area dahil sa makukulay na lobo. Makikita naman ang iba’t ibang kulay ng Care Bear stuff toy sa dining table. Talaga nga namang mararamdaman ang pagiging isang baby na hatid ng makukulay na dekorasyon.




Hindi pa man ito ang unang taong kaarawan ni Baby Gabriela, ay makikita na talagang todo ang effort na ginawa ni Mariel bilang paghahanda. Kaya naman, sa pagsapit ni Baby Gabriela ng 1st birthday ay tiyak na mas bonggang party ang gagawin ni Mommy Mariel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla) on

Noong October 18 naman, ay muling nagpost si Mariel ng larawang kuha sa naging selebrasyon na ayon sa aktres, ay ito ang pinakamasayang monthly celebration na ginawa nila para kay Baby Gabriela.

“Still on a Care Bears Hang0ver!!!! One of my most favorite monthly birthday celebrations of @gabrieladepadilla”

Dagdag naman ni Mariel, ay tila kaybilis lumipas ang panahon dahil sa isang buwan ay isang taong gulang na ang kanilang bunso.

“Next month it will already be her first birthday 🎂 time flies sooooo fast grabe!!! What they say is true… the nights are long but the years are short!!! 💕”

Marami naman sa mga netizens ang humanga sa napakagandang dekorasyon sa selebrasyong ginawa ng pamilya para sa 11 months birthday ni Baby Gabriela.

“Ang ganda bongga….My fave care bears 🙂 Happy 11 months baby girl…”
“Super cute! Happy 11th Gabzy”
“Superrrr cute!!!!! Omg! Robin Padilla…true love.”
“Wow ganda ms. Mariel Bonggang2…Sene ell.”

error: Content is protected !!