Connect with us

Entertainment

Maricar Reyes at Richard Poon, Masayang Ipinagdiwang ang Kanilang 7th Wedding Anniversary

Published

on

Ang pagdiriwang ng anibersaryo ng kasal ng mag-asawa ay isang mahalagang okasyon at dapat paglaanan ng oras upang ipagdiwang. Dahil ang pagkakaroon ng isang masayang pagsasama na pinatatag ng mga pagsubok at hamon sa buhay ay dapat ipagpasalamat.




Kagaya na lamang ng mag-asawang Maricar Reyes at Richard Poon na pinagtibay na ng panahon ang kanilang pagsasama. Maraming hamon at pagsubok ang dumating sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa ngunit dahil sa tunay at wagas na pagmamahal sa isa’t isa, nagawa nilang malampasan ang mga ito at nananatiling matatag ang kanilang pagmamahalan.

At noong June 9 nga, masaya nilang ipinagdiwang ang kanilang ika-7th Wedding Anniversary. Na idinaan naman ni Maricar sa Instagram post ang kanyang pagmamahal at pagbati sa asawa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng larawan ni Richard na nilakipan niya ng isang sweet message.

“’WE WERE HAPPY FOR 10 YEARS… & THEN WE WEREN’T…’ said a sucessful businessman to Richard a few years back. The businessman is separated from his wife. They are both good people. When they got married they really wanted it to be ‘FOREVER.’
“For me, this was a very humbling story. Each year together is a miracle and a gift. We’re imperfect humans capable of destroying a good thing. We’ve reached 7 years not because we’re so great — but because we’ve had so much help along the way.”

Labis naman ang kaligayan ni Maricar sa espesyal na araw nilang ito. Mababakas naman sa mensahe ng aktres ang pagmamahal at respeto sa asawang si Richard.

“No matter what, you will always have my admiration.”




Nagsimula ang pag-iibigan nina Maricar at Richard nang maging born-again Christian si Maricar at dumalo siya sa isang Victory Christian Fellowship, kung saan ay naroon rin ang singer na si Richard Poon. Doon na nga sila nagkakilala at nagsimula na nga ang kanilang relasyon bilang magkasintahan nang mahulog ang loob sa isa’t isa.

Naging matatag na nga ang pagmamahal nila sa isa’t isa, hanggang noong April 2013, ay inalok na nga ng kasal ni Richard si Maricar at tinanggap naman ito ng aktres. Wala na ngang nakapigil pa sa kanila upang patunayan ang kanilang pagmamahalan. At matapos ang 3 taong relasyon bilang magkasintahan ay nagpasya na silang magpakasal. At noong June 9, 2013 naganap na nga ang pag-iisang dibdib ng dalawang pusong nagmamahalan.

error: Content is protected !!