Connect with us

Entertainment

Marian Rivera, Pinangiti Ang Mga Tagahanga Sa Kanyang Throwback Baby Photos Na Talagang Napaka-cute At May Napakaamong Mukha

Published

on

Kilala ang GMA Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa kanyang husay at galing sa pag-arte sa industriya ng showbiz. Ngunit, hindi rin naman maitatanggi na bukod sa kanyang husay sa pag-arte, ay hinahangaan rin ng publiko ang kanyang napakaganda at maamong mukha. Hindi maikakaila na isa siya sa itinuturing na may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz.




Kamakailan nga, ay nagtrending ang kanyang baby pictures kung saan ay masisilayan ang kanyang maamo at magandang mukha. Bata pa lamang ay pinahanga na ni Marian ang publiko sa kanyang angking kagandahan na taglay niya pa rin hanggang siya’y lumaki. Hindi pa man niya pinapasok ang industriya ng showbiz, agaw pansin na agad ang kanyang napakagandang mukha sa publiko.

Ang napakagandang si Marian ay ibinahagi sa Instagram ang ilan sa kanyang mga babay pictures. Sa mga nasabing larawan, ay talagang ipinamalas na ni Marian ang ka-cutan at maamong mukha. Hindi rin maitatanggi na nahahawig ang mukha niya noong baby pa lamang siya sa kanyang mga anak na si Zia at Sixto. Kaya naman, napagkatuwaan pa ng aktres na pahulaan kung sino ang nasa mga larawan sa kanyang mga tagahanga, kung si Zia ba o si Sixto, kahit na ang totoo ay siya naman talaga ang mismong nasa larawan.

May isang larawan naman na tila neneng-nene pa si Marian sa simpleng ayos nito ngunit lutang na lutang pa rin ang angking kagandahan ng aktres.

Ang nasabing post naman ni Marian ng kanyang mga baby pictures ay pinagkaguluhan at hinangaan ng mga netizens, maging ang mga kapwa celebrities ay hindi rin napigilan ang paghanga sa batang Marian at nag-iwan pa ang mga ito ng komento.




Kabilang na nga rito sina Kuya Kim Atienza at Charlene Gonzales na parehong cute na cute sa mga larawan ni Marian. Sina Boobay, Liz Uy, at Mariel Rodriguez naman ay nagpaabot rin ng kanilang paghanga sa baby Marian na talagang aliw na aliw sa ka-cutan nito.

Maging ang mga netizens, ay nagbigay rin ng komento sa larawan. May ilang netizens ang nagsabi na mas hawig raw ni Marian ang anak na si Sixto noong sanggol pa. Dahil, maikli rin ang buhok ng baby Marian kaya naman nagkakahawig sila.

Samantala, ang ilang netizens naman ay si Zia ang sinasabing kamukha ni Marian sa nene picture niya. Ayon sa mga ito, mas lalong nagkakahawig sina Marian at Zia ngayong lumalaki na ito at hindi maitatanggi na namana ng unica hija nila ni Dingdong ang kagandahang taglay ni Marian.

error: Content is protected !!