Connect with us

Entertainment

“Maraming plastic sa showbiz”: Andrea Brillantes, Inamin na Walang Masyadong Kaibigan sa Industriya Showbiz

Ang young actress na si Andrea Brillantes ay isang sikat na artista sa mundo ng showbiz na talagang humahakot ng milyon-milyong mga tagahanga dahil na rin sa kanyang taglay na kagandahan at talento.

At ang mga tagahanga ni Andrea ay hindi lamang nakasubaybay sa mga kaganapan sa kanyang buhay, kundi kinikilatis ring mabuti ang kanyang buong katauhan, tulad ng kanyang ugali, mga hilig, mga ayaw at gustong bagay. Ngunit, hindi talaga maiwasang magkaroon ng maling palagay sa kanya ang kanyang mga tagahanga, lalo na nga’t isa siyang artista na kung saan ay iba’t ibang karakter ang ginagampanan.

Credits: Andrea Brillantes | IG

Kaya naman, sa latest vlog ni Andrea na mapapanood sa kanyang YouTube Channel, ay diretsahang sinagot ng aktres ang mga maling “assumptions” sa kanyang pagkatao ng kanyang mga tagahanga. Game na game nga na sinagot ni Andrea ang mga mensahe na ipinadala sa kanya ng mga netizens, katulad na lamang nga ng tungkol sa kanyang hitsura at ilan pang personal na bagay.

Ilan sa mga maling palagay sa kanya ng tao ay ang kanyang pagiging retokada, suplada, maarte at laking mayaman. Ayon kay Andrea, ay hindi siya retokada at wala siya ipinaretoke sa kanyang mukha, lalo na ang kanyang ilong dahil natural umano ang kanyang hitsura magmula noong siya’y bata pa.

“Hindi po ako retokada pero thanks for thinking that. Ibig sabihin may maganda sa mukha ko para maisip niyo na retokada ako. Kung titingnan n’yo rin naman ‘yung mga baby pictures ko, kung iisipin n’yo na peke ‘yung ilong ko, pero tumubo lang itong bridge ko noong ‘Kadenang Ginto’.

“Kasi manas na manas ‘yung mukha ko dati at doon ako nagsimulang pumayat. Tsaka nagma-mature kasi talaga ang mukha,” paglilinaw ng aktres.

Hindi rin daw siya suplada, nagmumukha lang daw siyang suplada dahil sa kilay niya. Sa katunayan nga daw nito ay mahiyain siya, ngunit dahil nga madalas makitang hindi siya nakangiti ay akala raw ng marami ay suplada siya. Kaya naman, sinusubukan niya talagang palaging nakangiti sa tuwing nakikita ng kanyang mga tagahanga.

Credits: Andrea Brillantes | YT

Nilinaw rin ni Andrea na hindi rin daw siya maarte. Kikay lamang siya, pero hindi maarte dahil ilang ulit na ring nakita sa kanyang vlog ang kanyang mga ginawa na nagpatunay na hindi siya maarte. At lalong hindi rin raw siya laking mayaman, dahil noong bata pa lamang siya ay dumaan rin sila sa hirap ng buhay. Kung saan nga ay lumaki silang magkakapatid sa poder ng kanyang lolo at lola na simple lang ang pamumuhay.

Samantala, sa mga nagsasabing wala raw siyang kaibigan sa industriya ng showbiz, ay ipinaliwag naman ni Andrea ang kanyang dahilan. Sa nasabing vlog ay ibinahagi ni Andrea na noong nag-aaral pa lamang siya sa nursery ay nabully na siya.

“Wala akong friends, as in pagpasok ko pa lang sa school, nursery pa lang, wala na akong friends. Hindi nila ako sinasali sa laro nila, lagi lang akong nasa corner. Ako ‘yung ganu’ng bata dati.”

Wala rin raw siyang gaanong kaibigan sa showbiz, dahil nga sa mundo ng showbiz ay maraming “plastic”. Makikita rin naman sa kanyang social media accounts na hindi siya mahilig lumabas para makipagkita sa mga kaibigan. Ngunit, may ilang kaibigan naman siya sa showbiz, hindi lang talaga siya mahilig makipaghalubilo. Ayon naman kay Andrea, ay sapat na para sa kanya ang kanyang Ate Kayla na itinuturing niya hindi lamang bilang kapatid kundi bestfriend na rin kung kaya’t hindi na niya kailangan pa ng maraming kaibigan.

Kontento na rin daw siya sa nag-iisa niyang kaibigan na si Seth, ang kanyang ka-love team ngayon. Kaya naman, hindi naman talaga siya malungkot at nag-iisa.

“Meron akong friend, si Seth, duh! Ha-hahaha! So I’m not lonely.”

error: Content is protected !!