Connect with us

Stories

Mara Clara Child Star na si Agatha Tapan Ito Na Ang Buhay Ngayon Matapos Iwan Ang Showbiz

Published

on

Ang Mara Clara ay isa sa mga teleseryeng ating inabangan sa telebisyon noong panahong 90’s na talagang nagpaantig sa ating puso. Ang teleseryeng ito ay pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes.

Photo Credit: Google Image




Kabilang rin sa cast ng teleseryeng ito ay si Agatha Tapan na gumanap bilang batang Denise. Sa teleseryeng ito unang nakilala si Agatha, at dito narin nagsimula ang pagbuhos ng proyekto sa kanyang karera. Naging bahagi rin si Agatha ng Trudis Liit at Maginoong Barumbado na ipinalabas noong 1996. Samantalang noong 1997 naman, naging bahagi siya ng pelikulang Kahit Minsan Lang.

Photo Credit: Google Image

Ngunit ang batang gumanap sa mga kinagiliwan nating palabas ay agad natapos ang karera. Biglang huminto ang dating child star sa kanyang karera at maging ang kanyang mga kakilala sa showbiz ay wala ring ideya kung saan napunta ang aktres. Ngunit lingid sa ating kaalaman, ang dahilan pala ng paghinto ni Agatha sa larangan ng pag-aartista ay upang ipagpatuloy ang pag-aaral nito.




Photo Credit: Agatha Tapan Facebook

Ayon sa nasagap na balita ng PEP.ph sa kanilang article, makikita sa Facebook account umano ni Agatha kung saan ay nakikita ng publiko ang mga impormasyon ng dating childstar. Ito umano ay nakapagtapos ng kolehiyo sa De La Salle University sa Dasmarinas sa kursong AB Communication. Isa na rin siyang Business Development Analyst sa ANC.

Photo Credit: Agatha Tapan Facebook

Masaya na siyang namumuhay ngayon kasama ang kanyang asawa at anak. Ang kanyang naging asawa naman ay si Romel Galiza at ikinasal sila noong 2015. Biniyayaan ang kanilang pagsasama ng isang napakacute na baby. Makikita rin sa kanyang facebook account ang masayang larawan nilang pamilya kasama ang cute nilang baby na nagbibigay kulay sa kanilang pamilya.




Sa kasalukuyan ay isa siyang FWD Financial Wealth Planner. Bagamat iniwan ni Agatha ang buhay ng pagiging artista, masaya naman niyang natagpuan ang kaligayahan sa piling ng kanyang asawa at anak. Masaya rin niyang ginagampanan ang pagiging isang mabuting asawa at ina ng kanilang tahanan.

Photo Credit: Agatha Tapan Facebook

Kontento na rin siyang mamuhay ng simple at kumita ng pera upang mabigay ang pangangailangan ng kanyang anak. At higit sa lahat, mayroon siyang pribadong buhay kung saan tahimik at masaya silang namumuhay ng kanyang pamilya.

error: Content is protected !!