Connect with us

Entertainment

Mansiyon Ng Mag-asawang Manny Pacquiao At Jinkee Pacquiao Sa Forbes Park, Nagkakahalaga Na Ngayon Ng P2.3 Billion

Ang mamahalin at animo’y resort sa gandang mansiyon na pagmamay-ari ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao sa Forbes Park, ngayon nga ay nagkakahalaga na ng P2.3 billion.

Credits: Jinkee Pacquiao | IG

Ayon nga sa Presello.com, isang real estate firm na nagbebenta ng mga naglalakihan at multimillion property sa Metro Manila, ang mansiyon ng pamilya Pacquiao sa Forbes Park, ay may nakakalula nang halaga ngayon na P2.3 Billion. Matatandaan na ang nasabing real estate firm rin ang nagbigay ng presyong P1.5 billion sa mamahaling mansiyon ng pamilya Pacquiao noong nakaraang taon buwan ng Agosto. At isang taon lamang ang nakalipas, ay agad na tumataas ang halaga nito.

Credits: Jinkee Pacquiao | IG

Ang napakagandang mansiyon ng pamilya Pacquiao, ay ibinibenta na at hanggang ngayon ay wala pang bumibili dito. Ang Zen Inspired Luxury Mansion na ibinibenta sa Forbes Park, ay loteng may kabuuang sukat na 2000 square meter. At ang mismong mansiyon ay nakatayo sa 1,525 square meters ng nasabing property. Hindi naman talaga biro ang laki at lawak ng mansiyon kung saan nga ay may five bedrooms, seven bathrooms, isang newly renovated pool area, at malawak na garden. Siyempre hindi rin mawawala ang malawak nitong garahe na kasya ang apat na sasakyan.

Credits: Jinkee Pacquiao | IG

Matatandaan naman na noong taong 2019, ay pina-renovate ng mag-asawang Manny at Jinkee ang nasabing property. Kaya naman, masisilayan ngayon ang ganda ng mansiyon, na nagmistulang isang resort dahil sa disenyo nito.

Credits: Jinkee Pacquiao | IG

Sa pag-uwi nga ng pamilya Pacquiao mula sa nagdaang laban ni Manny sa United States noong Setyembre 2021, ay sa kanilang mansiyon sila tumuloy at sa kanilang pamamalagi dito ay iisipin na tila nagbabakasyon lamang sila. Naging sunod-sunod nga ang pasilip ni Jinkee sa kanyang mga followers sa Instragram sa masaya at nakaka-relax nilang pamamalagi sa mansiyon.

Samantala, ngayong papalapit na rin ang kapaskuhan ay hindi naman pinalampas ni Jinkee ang pagkakataon na bigyan ng magandang Christmas decor ang kanilang mansiyon. Sa latest update ni Jinkee sa kanyang Instagram account, ay makikitang ibinahagi nito na ang malawak na garden sa mansiyon ay napapalamutian na ng Christmas lights.

Credits: Jinkee Pacquiao | IG

Matatandaan na unang napaulat na ibinibenta nina Manny at Jinkee ang kanilang mansiyon sa Forbes Park noong 2014. At ito ay dahil umano sa natatanggap nilang reklamo mula sa kanilang mga kapitbahay dahil sa pagtanggap raw nila ng mga bisitang ang mga kasuotan ay hindi naaayon sa panlasa ng kanilang kapitbahay.

Credits: Jinkee Pacquiao | IG

Nabili nila ang napakaganda at napakalawak na mansiyon sa halagang P388 million noong 2011. At noong 2014 nang una nito itong ibenta ay nagkakahalaga ito ng P708 million..

error: Content is protected !!