Connect with us

Entertainment

Manny Pacquiao, Nanatiling Kalmado Sa “Boyfriend Prank” Ng Anak Na Si Mary

Published

on

Si Manny “Pacman” Pacquiao ay isa sa pinakakilalang tao dito sa ating bansa na naging matagumpay sa buhay sa kabila ng kanyang hirap na pinagdaanan. At ilan sa mga larangan na matagumpay na tinatahak ni Manny ngayon ay sa showbiz, sports at politika.

Photo Credit: Manny Pacquiao Instagram




Tila nasa dugo naman ng mga anak ni Manny ang pagiging matagumpay saan mang larangan, sapagkat ilan sa kanyang anak ang ngayon ay matagumpay na rin sa larangan ng pagiging vlogger at isa sa mga ito ay ang kanyang anak na babae na si Mary, na kung tawagin nila ay si Princess.

Screenshot: Mary Pacquiao Youtube Channel

Kamakailan lamang ay may ibinahaging video si Mary sa kanyang Youtube Vlog na kung saan ito ay isang prank sa kanyang amang si Manny. Dito ay kakuntsaba niya ang kanyang ina na si Jinkee na kunwari ay nalaman nito na siya ay may nobyo na at ito’y malalaman ni Manny.

Screenshot: Mary Pacquiao Youtube Channel




Sa kanyang silid ay patagong naglagay si Mary ng video camera upang makunan ang pagprank nila sa amang si Manny. Kinuntsaba niya dito ang kanyang ina at kapatid na si Queenie.

Pagdating ni Manny galing trabaho, ay agad sinabi nito na di umano ay may nagtext sa kanya na kamag-aral ng anak nila na si Queenie at sinabing may nobyo na ito.

Screenshot: Mary Pacquiao Youtube Channel

Nagulat man ay kalmadong kinausap ni Manny ang anak na si Mary at tinanong ang ilang detalye. Ilan sa mga katanungan ni Manny ay kung kailan pa at sino ang nobyo ng anak, nagkunwari naman si Mary na siya ay takot sa gingawang pakikipag-usap sa kanya ng ama upang maging matagumpay ang kanilang prank.

Nang madako naman ang katanungan sa kung ano ang pangalan ng sinasabing nobyo ni Mary ay agad namang sinabi nito na ang pangalan ng kanyang boyfriend ay si “PRANK”, sabay lapit sa ama at niyakap ito.




Screenshot: Mary Pacquiao Youtube Channel

Hindi naman napigilan ni Manny ang matawa sa ginawang prank ng kanyang anak, at sinabi rin niya rito na muntik na siya magalit dito dahil sa akalang may nobyo na ito.

Makikita naman sa video na sinabi ni Jinkee na nung isang araw pa sana nila gagawin ang pagprank kay Manny, ngunit gabing-gabi na ito umuwi kaya ginawa na lamang ito kinabukasan.

Screenshot: Mary Pacquiao Youtube Channel

Marami naman ang humangang netizens na nakapanood ng video, sa naging reaksyon ni Manny dahil kahit kilala ito bilang isang matapang na boksingero ay makikita ang pagiging mahinahon nito sa kanyang pamilya. Makikita rin sa video kung paano ito naging kalmado sa pakikipag-usap sa anak na inaakalang may nobyo na.




Agad namang nagtrending sa Youtube ang Video na ito ni Mary at habang sinusulat ang balitang ito ay mayroon na itong halos 1.5 Million viewers.

error: Content is protected !!