Manny Pacquiao, Nagtrending Sa Social Media Matapos Makipagsabayan sa Pagsayaw Sa Mga Anak

Patok ngayon sa social media ang mga dance cover na nakakapagbigay aliw sa mga netizens. Mayroon ding mga dance challenge kung saan magkakaibigan, pamilya o kaya naman ay solo mong sasayawin ito.

Paramihan rin ng views at pagalingan ng pag-indak sa bawat musika na talaga naman nagdudulot ng ingay sa social media.

Talagang nakakagoodvibes ang mga ito sa dulot na kasiyahan sa bawat isa na sadyang mapapasabay karin sa pag indak. Ito rin ang nagsisilbing bonding moment ng mga magkakaibigan at pamilya na nais gawin ang dance cover.



Kagaya na lamang ng sikat sa larangan ng boxing na si Manny Pacquiao. Kilala natin siya bilang politiko, aktor,singer, basketbolista, pastor at pilantropo ngunit hindi sa larangan ng pagsasayaw. Kaya naman, dahil bago ito sa karamihang makitang sumayaw ang iniidolong Boxing Champion, marami ang nagkaron ng interes rito. Sa dami ng mga ginagawa ni Manny at busy nyang schedule ay nagagawa nya parin magkaroon ng oras upang makabonding ang kanyang mga anak.

Ibinahagi ng Pambansang Kamao sa kanyang Instagram account ang isang viral video kung saan makikitang masayang nakikipagsabayan si Manny sa pag-indak sa kanyang mga anak sa saliw ng musikang “One Wish” na pinasikat ng American rapper-singer na si Ray J.

Sa Video, makikita ang pakikipagsayaw ni Sen. Manny kasama ang tatlong anak nila ni Jinkee na sina Michael, Mary Divine at Queen Elizabeth.



Ang video na nagviral ay nilakipan nya ng caption na “The things we do for our kids”.

Talaga namang maraming humanga sa kanilang ginawang pagsayaw kaya naman umani ito ng halos 1,200,000 views sa instagram account ni Pacman at mahigit kalahating milyong views naman sa kanyang facebook account.

When Senator Manny Pacquiao dance 1 wish 😅#FamilyBondingCtto.

Posted by Kaine Abby M. Arambulo on Sunday, 5 January 2020

Maraming mga tagahanga at tagasuporta ang naaliw sa kanyang ginawang pakikipagbonding sa kaniyang mga anak at nag-iwan ang mga ito ng komento. Basahin natin ang ilan.

“Enjoy and have fun, time passes too quick. I have 6 girls and 3 boys, and how I wish they were small again. One good thing is that my wife and I were never in a hurry in wanting our kids to grow up quickly. Godbless you and your family”.

“Having fun is always the idea. Even if it means being silly and just letting go of inhibitions. The best thing we can do for our kids is to let them know who we are”.

“Napakasarap na makita na matapos lahat ng hirap na pinagdaanan, pagtitiis at hindi pagsuko sa hamon ng buhay, ngayon ay naeenjoy niya ang ginhawa kasama ang kanyang pamilya. This guy is a true legend”.

Si Manuel Charr naman na isang World Boxing Association heavyweight champion ay nag-iwan ng isang “heart emoji” sa comment section sa post ni Manny.

Talaga namang nagdulot ng aliw sa mga tagahanga ang kanilang ginawa at mas lalo pang hinangaan si Manny dahil sa pagbibigay oras upang makabonding ang kanyang mga anak bilang isang ama.