Connect with us

Lifestyle

Manny at Jinkee Pacquiao Nag Quality Time sa South Korea Kasama ang Pamilya

Published

on

Kamakailan lang ay pumunta sa South Korea sila Jinky, Manny Pacquaio at mga anak nila para magbakasyon at mamasyal. Ilan sa mga larawan ng kanilang bakasyon na ibinahagi sa social media ay pinagkaguluhan ng nga netizens.



Makikita sa mga larawan nila Jinky, Manny at mga anak nito ang mga tourist spot na kanilang pinuntahan sa South Korea habang sila ay nagbabakasyon. Kabilang na dito ang Garden of Morning Calm, Starfield Library at ang dalawang tourist spot na napabilang sa Unesco World Heritage Sites at ito ay ang Hahoe Village at Hwaseong Fortress.

Nagbahagi din si Jinkee ng mga larawan nilang mag-anak habang suot suot ang sikat na “hanbok” o ang tradisyonal na kasuotan ng mga Koreano. Ang hanbok ay isa sa mga gustong maexperience ng mga touristang pumupunta sa Korea kasi napakaganda naman talaga nitong suotin.

View this post on Instagram

πŸ‡°πŸ‡·πŸ‡°πŸ‡·πŸ‡°πŸ‡·

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on

Ayon naman sa ulat ng KAMI, sinabi nila na isang mamahaling Chanel na kwentas na nagkakahalaga ng daang libong piso ang suot suot ni Jinkee sa ilang mga larawan nito.





Kung inyo ding matatandaan ay dating nagtrabaho si Jinkee sa isang cosmetic shop sa isang mall kung saan sila nagkakilala ni Manny. Ang Tiyuhin din ni Manny ang dahilan kung bakit nagkakilala sa Jinkee at Manny noon at kalaunay nagpakasal at nagbuo ng pamilya.

Nakita din sa personal nila Jinkee at ng mga anak nito ang isa sa mga sikat na artista ng South Korea na si Ji Chang Wook habang nagbabakasyon sila sa Korea.



Dahil sa parehong sikat ang dalawa, hindi maiwasan na pag-usapan ang nasabing bakasyon nila sa Korea. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens;

“Beautiful couple Mr & Mrs Pacquiao.”
“So happy and kilig for you, Sis.”
“Super cute yung colors ni queenie.”
“Ang ganda naman ni madam Jinkee.”
“Beautiful couple and family nakakatuwa.”

error: Content is protected !!