Connect with us

Entertainment

Manilyn Reynes, Ibinahagi Ang Sikreto Para Magkaroon Ng Malakas At Malusog Na Pangangatawan

Bahagi na ng buhay natin ang pagtanda, kaya naman talagang hindi na natin maiwasan ang panahon ng pagdagdag ng ating edad. Sa pagdaan ng panahon ay kailangan natin ng ibayong pag-iingat sa ating kalusugan para maging malakas at malusog ang ating katawan.

Photo Credits: Manilyn Reynes | IG

Sa panahon ngayon na laganap rin ang sakit, ay doble naman ang ating pag-iingat na bukod sa pag-eehersisyo at kumakain rin tayo ng mga masusustansiyang pagkain.

Marami sa mga sikat na artista sa showbiz ang maingat pagdating sa kanilang kalusugan. Katulad na lamang nga ng aktres na si Manilyn Reynes, na ngayon ay nagkakaedad na rin kung kaya’t inaalagaang mabuti ang kanyang sarili.

Photo Credits: Manilyn Reynes | IG

Kamakailan lamang nga sa programang Pinoy MD, isang health and fitness show na mapapanood sa GMA Network, ay ibinahagi ni Manilyn ang sikreto para magkaroon ng malusog na pangangatawan.

Pag-amin ng 49 anyos na aktres na si Manilyn, ngayon na nagkakaedad na sila ng kanyang asawa na si Aljohn Jimenez, ay kailangan na nilang ingatan ang kanilang sarili.

Photo Credits: Manilyn Reynes | IG

“I’m not getting younger, kaming mag-asawa“,ayon kay Manilyn.

Si Manilyn at Aljohn ay 25 taon nang kasal, kung saan nga ay talagang pinagtibay na ng panahon ang kanilang pagsasama at pagmamahalan. Ang kanilang masayang pagsasama sa loob ng 25 na taon, ay biniyayaan ng tatlong anak na pawang mga lalaki na sina Kyle, Kirk, at Kael.

Photo Credits: Manilyn Reynes | IG

Samantala, dahil nga nagkakaedad na ang mag-asawang Manilyn at Aljohn ay hindi naman nila nakakalimutan ang magkaroon ng ehersisyo araw-araw dahil malaki ang naitutulong nito para lumakas at maging malusog ang kanilang katawan. Nagsisilbi namang bonding moments ng kanilang pamilya ang running kung saan nga ay talagang pinaglalaanan nila ng oras.

Photo Credits: Manilyn Reynes | IG

“We find time para sa pamilya kasi importante ’yun. Ang weekends namin, as much as possible, ayokong pinapagalaw talaga. Kasi talagang kailangan mo ’yun. Kasi nga para ’yun sa family.”

Maliban naman sa kanilang family bonding exercise, ay may pansariling exercise ring ginagawa si Manilyn para sa kanyang sarili. At ito ay ang regular ang pagtakbo sa threadmill at paggiling ng baywang sa hula hoop. Ayon sa aktres ay mainam itong cardio exercise na tulad ng running.

“Cardio exercise, you’re moving, nagpapawis ka. Ang mga kasu-kasuan mo nagagalaw mo rin.”

Photo Credits: Manilyn Reynes | IG

Kinagigiliwan rin ni Manilyn ang boxing, kung saan nga ay inamin niya na noon pa man ay mahilig na talaga siya sa boxing. Ang boxing nga ay isa rin sa ehersisyo na pinagkakaabalahan ng aktres para pagpawisan.

“Ako ay boxing fan talaga kahit noon pa. Maliit pa lang ako, nanonood ako ng boxing kasama ang lolo ko.”

Photo Credits: Manilyn Reynes | IG

Maliban naman sa exercise, ay ibinahagi rin ni Manilyn ang isa pa sa sikreto niya para maging healthy ay iwasan ang mastress. Ang stress nga ay malaki ang epekto sa katawan ng tao.

“Mommies, huwag tayong ma-stress! Kailangan maging ganito ako, ngayon na, ngayon na, ngayon na. Kasi pumunta rin ’yun sa isip.”

error: Content is protected !!