Connect with us

Entertainment

Mana-Mana Lang Yan! Kilalanin: Mga Anak Nina Gary Estrada At Bernadette Allyson, Mga Artistahin Sa Ganda

Published

on

Ang real-life couple noong dekada 90 na sina Gary Estrada at Bernadette Allyson ay mas lalo pang pinagtibay ng panahon dahil hanggang ngayon ay punong-puno pa rin ng pagmamahalan ang kanilang pagsasama.




At noong 2001, sa isang panayam kay Bernadette, ibinahagi niya ang kanilang masayang love story ni Gary.

“Ang kuwento talaga namin, siguro maniniwala na sila dahil ilang taon na kaming kasal, when he asked me for marriage, hindi kami nung time na ‘yun. Kasi, nung naging kami for 10 months, we broke up for a year. After one year, bumalik siya sa akin, text-text lang. Tapos gusto daw niya girlfriend-boyfriend na kami by Valentines ng 2001,”

“Sabi ko, ‘No,’ kasi gusto ko pang makipag-date-date sa iba. Pero I have feelings for him, hindi naman nawala ‘yun. Pero after a month, biglang may pinakita na siya sa aking ring, that was Valentines. After one month, March ‘yun, hindi niya ako pinaliguy-ligoy na, ‘Uy, boyfriend-girlfriend tayo.’

“Ibig sabihin, pag nag-yes ako sa kasal, kami na at automatic kami na ulit. Nag-yes ako kasi love ko pa naman siya, eh. Gusto niya agad-agad ikasal na kami ng May, pero naging June yon kasi tumawad ang daddy ko na bakit naman ang bilis, so yon,”

Talaga nga namang napakasaya ng kwento at simula ng kanilang pag-iibigan na hanggang sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay napanatili nila ang kanilang pagmamahalan. Ngunit, maliban sa pagiging happily married nina Gary at Bernadette napakapalad rin nila sa pagkakaroon ng mga magagandang anak.

Ang tatlong babaeng anak nga nina Gary at Bernadette ay sina Garielle Bernice, Garianna Beatrice at Gianna Bettina na hindi maitatangging namana ang magandang lahi ng mga magulang.

Si Garielle Benice o may palayaw na Icee ang panganay na anak nina Gary at Bernadette. Makikita kay Icee na dalagang-dalaga na ito at ang kagandahang taglay ng kanyang ina ay namana rin niya.




Ang pangalawa namang anak ng mag-asawa ay si Garianna Beatrice o mas kilala sa tawag na Gabbi.

Ang bunso naman ay si Gianna Bettina na kinagigiliwan sa tawag na Gerri.

Hindi nagkakalayo ang edad nina Gabbi at Gerri kaya naman napagkakamalan silang kambal na kung saan ay hilig ang pagsusuot ng mga “twinning” na damit.

Ang mga anak nilang ito ay napansin agad ng mga netizens dahil sa magaganda at maaamong mukha na talagang namana pareho ang pinagsamang magandang katangian ng kanilang mga magulang. Hindi naman nakapagtataka na balang-araw ay sumabak na rin sa pag-aartista ang mga batang ito. Maraming netizens nga ang humanga at nagsabi pa na malaki ang pagkakataong mapabilang ang mga magagandang bata sa industriya ng showbiz o kaya naman ay maging modelo.

Maliban naman sa tres marias ni Gary kay Bernadette, ay may anak rin siya kay Cheska Diaz, si Kiko Estrada na sinundan ang yapak ng ama sa pag-aartista. Tinanggap naman ni Bernadette ng bukal sa kalooban si Kiko at itinuring na rin bilang miyembro ng kanilang pamilya.

error: Content is protected !!