Connect with us

Lifestyle

Mamahaling Kuwintas Ni Jinkee Pacquiao Na ‘Chanel’ Pearl Necklace Agaw Atensiyon Sa Mga Netizen

Published

on

Sanay na ang publiko sa better half ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao pagdating sa mga post niya na nagpapakita ng mga tinatamasang karangyaan sa buhay. Mula sa mamahaling mga sasakyan, mga kilalang brand ng sapatos at pati sa mamahaling bag.



Nitong mga nakaraang buwan lang naging laman ng mga post ang manugang ni Nanay Dionisia dahil sa pagbabahagi ng mga larawan habang nakasakay sa mamahaling sasakyan na Hyundai Grand Starex. Ang nasabing sasakyan ay nagkakahalaga lang naman ng dalawang milyon piso

Pero kamakailan lang muling dinumog ng subscriber ang kanyang Instagram Account dahil sa panibagong post niya patungkol sa kanyang bagong mamahaling alahas. Sa kanyang OOTD post ipinakita niya ang kanyang mamahaling kuwintas na Chanel Pearl Necklace na gawa sa metal at glass pearl. Diumano ang nasabing kuwintas ay may presyong na 123,733 pesos.

Sa kabilang banda, hindi naman talaga itinatago ng kakambal ni Janet Jamora-Jumalon ang hilig niya pagdating sa alahas subalit bihira siyang makikita na nakasuot ng kwintas. Dahil sa tuwing magpopost siya ng kanyang mga OOTD kalimitan ay makikitang may suot lamang na relos, isang pares ng hikaw at pagkatapos ay teternuhan niya ng bracelet gayundin ng isang singsing.



Wala namang kumukuwestiyon kung saan nanggaling ang perang ipinambili ni Jinkee sa mamahaling kuwintas, dahil alam naman nila na may kakayanan siya na bumili nito dahil sa tinatamasang karangyaan ng kanyang asawang boksingero.

Hindi naman lingid sa publiko na ang “Fighter of The Decade” ay kabilang sa Top 20 na pinakamayamang boksingero sa mundo kaya talagang kayang kaya na bumili ni Jinkee kahit ilan pang piraso ng naturang designer na kwintas.



Sa kabilang banda, maraming nakakapansin na medyo sumosobra na yata sa pagpopost ng kanyang mga personal na gamit ang maybahay ni Senator Manny Pacquiao. Ayon pa nga sa ibang netizen ang pagpopost ni Jinkee na suot suot ang mamahaling Chanel Necklace ay nagbibigay ng hindi magandang impresiyon at nagpapataas pa ng kilay kung bakit pa niya nagawang ishare ang mga naturang larawan. Isa nga sa mga komento ay naglalaman ng pagkadismaya ng isang netizen, “Di mawari itong babae na ‘to kung ano ba ang gusto ibandera. Napaka maka-Diyos pa naman”.

error: Content is protected !!