Connect with us

Entertainment

Malapit na Kaibigan ni Kris Aquino, Nagbahagi ng Update Tungkol sa Kalusugan ng Aktres

Alam ng lahat ang malubhang karamdaman ng kilalang aktres na si Kris Aquino. Kamakailan lamang ay ibinahagi rin niya sa social media ang ilan pang update tungkol sa kaniyang kalagayan. Dagdag pa rito, ibinahagi rin ng kaibigan ni Kris na si RB Chanco ang ilang karagdagang impormasyon tungkol kay Kris.

 

Paglalahad ni RB kakaibang karamdaman umano ang tumama kay Kris ayon sa kaniyang mga doktor,

“Kris now is really sick. I don’t know if she wants me to announce this or I have to ask her. Well you’ve seen naman her Instagram, her videos na she’s really going through a sickness that her doctors are saying na one in a million. It’s really rare.” Dagdag pa ni RB, naging limitado ang mga gawain ni Kris. Maging ang kaniyang mga kaibigan na nais bumisita sa kaniya ay doble rin ang ginagawang pag-iingat, “Parang she cannot just go anywhere and we really be very careful. If we visit, we have to do PCR up until now even if the pandemic restrictions loosened up. We can naman visit naman but we have to do PCR testing first. Kasi once na tamaan siya, it’s really scary and we don’t want naman be the reason na magdala ng virus sa bahay.”

Sa kabutihang palad, nananatiling matatag ang mga anak ni Kris,

“I’m very happy that Bimb and Kuya Josh are very mature and Kris really raise them very well. Kasi of course they feel what’s going on with their mom and of course talagang nag-aalala sila, but nakikita nila na talagang their mom is fighting and they know and secured ang feelings nila na, ‘Gagawin lahat ng mom and nothing will happen to her. She will fight from her sickness.'”

Bukod sa pamilya ng aktres, positibo rin ang pananaw ng mga kaibigan ni Kris gaya ni RB lalo na sa tuluyan niyang paggaling,

“Hindi niyo mapapatay si Kris at lalaban at lalaban si Kris as long as buhay si Bimb at Kuya Josh. Yun lang ang masasabi ko. And as long as si Kuya Bimb and Josh ay wala pa doon sa certain age na hindi pa kaya, she will wait for Bimb to graduate and probably have a wife and his own family. Hindi mawawala si Kris Aquino, babalik at babalik si Kris Aquino at iintayin natin siya.”

error: Content is protected !!