Connect with us

Entertainment

Mala-Miss Universe Na Kagandahan Ng Panganay Na Anak Nina Chesca at Doug Kramer Na Si Kendra, Pinagkakaguluhan Ngayon Sa Social Media

Sa matulin na paglipas ng panahon ay siya ring mabilis na paglaki ng panganay na anak ng mag-asawang Chesca at Doug Kramer na si Kendra Kramer. Ang dating cute at chubby na bata na kinagigiliwan sa social media, ngayon nga ay dalagang-dalaga na.

Photo Credits: Kendra Kramer| IG

Sa ngayon ay 12 na taong gulang na si Kendra at hindi naman maipagkakaila ang malaking pagbabago sa kanyang katawan. Ngayon nga ay masisilayan na nawala na ang pagka-chubby nito at napalitan na ng isang balingkinitang pangangatawan. Hindi naman maikakaila na namana ni Kendra ang magandang mukha ng kanyang Mommy Chesca, at ang tangkad na taglay niya ay sa kanyang Daddy Doug na isang basketbolista naman niya nakuha.

Photo Credits: Kendra Kramer| IG

Sa taglay na ganda at tangkad ni Kendra ay pinagkakaguluhan siya ngayon sa social media, na walang duda naman na may mala-Miss Universe na kagandahan. Sa kanyang edad ay marunong na rin si Kendra, kung paano niyang dalhin ang kanyang sarili. Sa social media ni Kendra, at maging sa kanyang mga magulang ay makikita ang mga larawan at video na nagpapatunay na dalagang-dalaga na nga ito at sadyang napakaganda.

Photo Credits: Kendra Kramer| IG

Makikita naman na suportado ng kanyang Mommy Chesca ang kanyang pagiging kikay. Sa katunayan nga nito sa ilang vlogs, ay minsan nang ipinasilip ni Kendra ang kanyang pag-awra suot ang damit, sapatos, at mga bags ng kanyang Mommy Chesca. At siyempre, para sa kanyang kompletong awrahan ay makikita rin ng naglagay ng kaunting make up sa kanyang mukha si Kendra.

Photo Credits: Kendra Kramer| IG

Habang lumalaki nga ay mas lalong lumulutang ang taglay na kagandahan ni Kendra. Kaya naman, talagang marami ang humahanga sa kanya na maging ang ilang local artists ay ginawan pa siya ng drawing portrait. Minsan na rin nag-viral ang mga larawan ni Kendra sa social media matapos ibahagi ng kanyang Daddy Doug na talaga namang proud na proud sa taglay na kagandahan ng kanyang anak.

Photo Credits: Kendra Kramer| IG

Ang viral photos nga ni Kendra ay umagaw ng pansin ng mga netizens at talagang pinagkaguluhan sa online world. Marami nga ang nagsabing malaki ang pagkakahawig ng mukha ni Kendra kay Miss Universe 2018 Catriona Gray. Kaya naman, maging ang mga kilalang personalidad sa pageant ay nagsabi na malaki ang potensyal ng magandang bata para maging isang beauty queen.

Photo Credits: Kendra Kramer| IG

Ngayon pa lang nga ay marami na ang nakaabang sa tatahaking landas ni Kendra, kung papasukin nga nito ang mundo ng pageantry at magiging isang matagumpay na beauty queen. Hindi naman maikakaila na taglay ni Kendra ang katangian ng isang beauty queen na bukod nga sa maganda at matalino rin. Tiyak naman na todong suporta ang ibibigay ng mag-asawang Chesca at Doug sa nais tahakin landas ng kanilang anak.

error: Content is protected !!