Connect with us

Entertainment

Mala-Dyosang Kagandahan Ng Aktres Na Si Sanya Lopez, Pinagkakaguluhan Ngayon Sa Social Media

Marami ang humahanga sa taglay na kagandahan ng aktres na si Sanya Lopez. Makikita kasi sa aktres ang isang maamong mukha na hindi nakakasawang pagmasdan. Sa kanyang taglay na natural na ganda, ay kabilang nga siya sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz.

Photo credits to the owner

Maliban naman sa kanyang taglay na kagandahan, ay kahanga-hanga rin ang talento ni Sanya pagdating sa pag-arte. Kaya naman nang makuha niya ang karakter ni Yaya Melody sa GMA teleserye na “First Yaya” ay talagang marami ang kanyang napabilib sa kanyang husay.

Photo credits to the owner

Hindi naman talaga magpapahuli si Sanya na ipamalas ang kanyang natatanging kagandahan lalo na nga sa suot niyang mga OOTD na talaga namang bagay na bagay sa kanya. Kinabibiliban rin ng lahat ang taglay na magandang hubog ng katawan na talaga namang napakaseksi. Sa tuwing nagbabakasyon nga sa beach ay hindi pinapalampas ni Sanya ang pagkakataon na masilayan ang kanyang magandang pigura sa kanyang mga suot na swimsuit.

Photo credits to the owner

Hindi naman talaga natatapos ang pagpapamalas ni Sanya ng kanyang taglay na ganda at kaseksigan. At nito lamang ngang ika-30 ng Disyembre, ilang oras bago sumapit ang taong 2022 ay may pasabog pa si Sanya. Marami ang talagang napahanga sa mala-dyosang kagandahan ni Sanya sa mga larawang kuha sa isang photophoot.

Makikita sa larawan na nagmistulang isang maharlika si Sanya sa kanyang napakagandang kasuotan. At sa nasabing larawan nga, ay litaw na litaw ang kanyang mala-dyosang kagandahan na nagpabilib sa kanyang mga fans. Agaw pansin ang eleganteng awra ni Sanya sa mga kuha ng larawan.

Photo credits to the owner

Hindi nga nakaligtas sa mga netizens ang kahanga-hangang kagandahan ni Sanha suot ang eleganteng kasuotan. At ito nga ay inulan ng mga komentong puno ng paghanga at papuri mula sa mga netizens.

“Uwian na may nanalo na huhu. Ganda”

“Pinakamagandang dyosa, sheeeshhh”

Samantala, tila naman walang katapusang biyaya ang natatanggap ni Sanya sa kanyang buhay lalo na nga sa kanyang karera. Maliban sa kaliwa’t kanang mga endorsement, ay may bago na naman nga siyang proyekto. Ngayon nga, ay abala si Sanya sa nalalapit niyang teleserye na “First Lady” na nagmula sa sequel series ng ginawa niyang teleserye na “First Yaya” kung saan ay nakasama niya ang mahusay na aktor na si Gabby Concepcion.

Photo credits to the owner

Si Sanya ay nadiskubre ng namayapang si German Moreno sa set ng Walang Tulugan kung saan ang kapatid ng aktres na si Jak Roberto ay mainstay sa programa. Magmula nga noon ay lumikha na ng kanyang sariling pangalan si Sanya bilang isang mahusay na aktres. Mas lalo naman siyang nakilala sa kanyang pagganap sa fantaseryeng Encantadia bilang si Hara Danaya.

error: Content is protected !!