Connect with us

Entertainment

Makalipas ang Isang Buwan Matapos Manganak, Balik Pagsusurfing si Andi Eigenman

Published

on

Nung nakaraang July lang ay nagsilang na si Andi Eigenmann sa pangalawa nyang anak na si Lilo sa professional surfer partner nya na si Philmar Alipayo. Mula noon ay hindi na nakapagsurf si Andi pero nitong nakaraang linggo lang ay nagpost sya sa kanyang Intagram account ng larawan nya na nasa dagat ng Siargao. Sabik nyang sinabi sa larawan nya na nagsisimula ulit syang magsurf ngayon.



Photo credits: andieigengirl | Instagram  

Ayon kay Andi nung umpisa ay medyo nahirapan ulit sya magsurf at parang ang sakit sakit ng kanyang katawan. Dagdag pa nya na parang nagsisimula ulit sya sa umpisa dahil na din sa hindi pagbago ng kanyang abs dala ng pagbubuntis nya.

Photo credits: andieigengirl | Instagram  

Pero ayon kay Andi ito din ang dahilan kung bakit gustong gusto nya ang sports na ito dahil hindi na kailangan sobrang galing ka para makapagsurf ka. Okey lang sa kanya na magsimula ulit sya sa umpisa kasi sulit naman daw kapag bumalik na ulit sa dati ang kanyang katawan.

Photo credits: andieigengirl | Instagram

Ang pagsusurf ay isa sa mga sports na paborito ni Andi lalo na pagdating sa pagpapanatili ng fit na katawan. Isa din ito sa paborito ng pamilya ni Andi na paraan ng pagbobonding at ito din ang dahilan kung bakit nya nakilala ang kanyang partner na si Philmar Alipayo. Ito din ang nagtuturo sa kanya at sa pitong taong panganay nyang anak na si Ellie.



Photo credits: andieigengirl | Instagram

Bukod sa ito ang paborito ni Andi na sports, ito din ang ginamit nyang paraan ng pageehersisyo noong pinagbubuntis palang nya ang kanyang pangalawang anak na si Lilo na panganay naman nya kay Philmar.

Talaga namang nakakahanga ang motibasyon ni Andi na makabalik ulit sa dagat at magawa ang kanyang pinakamamahal na sports. Madami sa kababaihan natin ngayon na pagtapos manganak ay kinakalimutan na ang mga bagay na nakahiligan nito. Pwede naman natin gayahin ang ginawa ni Andi na ginawa nyang pangehersisyo ang bagay na kinahihiligan nya.

error: Content is protected !!