Connect with us

Entertainment

Maja Salvador, Pinabilib Ang Mga Netizens Matapos Sumakay Ng Helicopter Papunta Sa Kanyang Trabaho

Maraming netizens ang napa-wow ng aktres na si Maja Salvador kamakailan matapos niyang ibahagi ang sasakyan na kanyang ginamit sa pagpasok sa trabaho. Kung ang ilang sikat na celebrities sa showbiz ay magagarang kotse ang gamit sa pagpasok sa kanilang trabaho, ang aktres na si Maja ay literal na pinalula ang mga netizens nang ibahagi na helicopter ang gamit na sasakyan pagpunta sa kanyang trabaho.

Photo Credits: Maja Salvador| IG

Sa isang Instagram post, ay ibinahagi ni Maja ang kanyang mga litrato kung saan makikita ang isang black helicopter at sakay siya nito. Ang nasabing larawan kung saan makikitang nakasuot siya ng tshirt na may tatak na “Sporty and rich” na pinaresan ng pantalon ay nilakipan niya ng simpleng caption na “Off to work”. Makikita ring nakasuot ang magandang aktres ng shades, at bag na talaga namang napakaangas ang dating habang nakasakay sa harapan ng helicopter.

Photo Credits: Maja Salvador| IG

Agad namang pinukaw ang atensyon ng mga netizens ng litratong ibinibahagi ni Maja sa social media. Namangha nga ang mga ito sa kabonggahan ng aktres, na dinaig pa si Willie Revillame o Kuya Wil na nagmamay-ari ng helicopter. Papasok lang sa trabaho si Maja ay talagang naka-helicopter pa dahilan nga para ulanin ng komento at reaksyon ang aktres.

Photo Credits: Maja Salvador| IG

“Bongga ng sasakyan ni Maja iwas traffic”

“your tshirt says it all. sporty and rich”

“Iba talaga ang Maja Salvador pupunta lang ng trabaho naka-helicopter pa”

“Kuya Wil ikaw ba yan? Mamimigay ka na din ba ng jacket Maja?”

Makikita rin sa Instagram story ni Maja na nagbahagi rin siya ng kanyang larawan habang nasa loob ng helicopter. Sa kanyang post, ay walang sinabi ang aktres kung sino ang kanyang nakasama sa helicopter ride.

Photo Credits: Maja Salvador| IG

Talaga namang napakabongga ni Maja, dahil nakahelicopter pa papunta sa kanyang trabaho. Sa dami ng maraming sikat at mayayamang artista sa showbiz, ay tila si Maja palang ang nag-flex ng sasakyang helicopter pagpasok sa trabaho, maliban kay Kuya Wil na helicopter rin ang gamit at madalas makita ang paglapag ng sariling helicopter sa Wil Tower.

Photo Credits: Maja Salvador| IG

Ang 33-anyos na si Maja Salvador ay kilala rin bilang isang singer, dancer,TV host, producer at talent manager. Si Maja ay nagsimulang pasukin ang showbiz noong 2003 sa edad na 14, kung saan una siyang napanood sa teleseryeng It Might Be You.

Photo Credits: Maja Salvador| IG

Dahil sa kanyang ipinakitang husay sa pag-arte ay naging nominado siya bilang Best New TV Personality sa 18th PMPC Star Awards for Television. At noong 2007, ay tuluyan na siyang naparangalan bilang Best Supporting Actress sa 55th FAMAS Awards and Gawad PASADO Awards 2007 sa pelikulang Sukob.

Photo Credits: Maja Salvador| IG

Kilala si Maja sa kanyang mahusay na pagganap sa mga teleserye at pelikula kung saan nga ay patuloy na binibigyang parangal ang kanyang angking talento.

error: Content is protected !!