Connect with us

Entertainment

Maja Salvador, May Sweet na Pagbati Para sa Kaarawan ng Kanyang Boyfriend na si Rambo Nuñez

Napakasarap naman talagang ipagdiwang ang espesyal na araw kasama ang mga taong walang sawang nagmamahal at sumusuporta sa atin. Kahit nga simpleng okasyon lamang, ay nagiging masaya at makulay dahil kapiling natin ang ating mga mahal sa buhay.

At isa nga sa mapalad na taong nabigyan ng pagkakataong ipagdiwang ang kanyang espesyal na araw ng kapanganakan, kasama ang taong nagmamahal sa kanya ay ang nobyo ng aktres na si Maja Salvador na si Rambo Nuñez.

Para batiin ang kanyang businessman boyfriend na si Rambo, ay isang espesyal at sweet na mensahe ang ipinaabot ni Maja na kanyang idinaan sa isang Instagram post.

Nito lamang ika-28 ng Hulyo, nang ibahagi ni Maja sa kanyang Instagram, ang larawan kung saan makikitang sweet na sweet sila ng kanyang boyfriend habang pinagsasaluhan ang matamis na halik at hawak-hawak ang kanilang mga alagang aso.

Sa caption ng post ng aktres, ay ipinaabot nito ang kanyang pagbati para sa kaarawan ng nobyo na may kasamang pagmamahal at tinag pa sa kanyang post ang nobyo.

“We love you, DADA!!! Happy happy birthday!!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MAJA (@iammajasalvador)

Samantala, ang nasabing mensahe ni Maja ay agad namang sinagot ni Rambo, kung saan nga ay isang matamis na “I love you” ang naging kasagutan na sinamahan pa ng blowing kiss emoji.

Base naman sa bagong post ng magkasintahan sa kanilang social media accounts, ay makikita na magkasama ang dalawa sa El Nido, Palawan para masayang ipagdiwang ang birthday ni Rambo.

Matatandaan na noong nakaraang March 2019 nang aminin ni Maja sa publiko na muli silang nagkaayos at nagkabalikan ni Rambo, na nauna niyang nakarelasyon siyam na taon na ang nakakaraan.

Minsan naman nang ibinahagi ni Maja nang makapanayam sa programa ni Toni Gonzaga na I Feel U, na masaya siya at naniniwala siya na tama ang naging desisyon nila ni Rambo na bigyan ng pangalawang pagkakataon ang kanilang naudlot na pag-iibigan.

“Kasi siguro hindi enough ‘yung ilang months lang kami noon. Naudlot talaga.”

Masaya rin ang aktres na maayos ang relasyon niya sa pamilya ni Rambo, na kung saan ay talagang nararamdaman niya na tanggap at mahal siya ng mga ito para sa kanyang nobyo.

“Tapos iba din ‘yung love ng family niya na ibinibigay sa akin. Ilang beses kaming may random na pagkikita, may certain feeling na ‘yung naramdaman mo dati, parang meron pa rin.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MAJA (@iammajasalvador)

Sa isang vlog naman ay inamin ni Maja na nakikita na niya ang kanyang sarili na kasama si Rambo at nagpapalitan ng kanilang mga pangako sa isa’t isa. At sa loob nga ng limang taon, ay alam na ni Maja sa kanyang sarili na ikakasal siya kay Rambo pagdating ng tamang panahon.

error: Content is protected !!