Connect with us

Entertainment

Maja Salvador, Ipinasilip sa kanyang House Tour Vlog ang Napakaganda niyang Bahay na may Modern Tropical Design

Isa nga sa hinahangad natin sa buhay ang makapagpundar ng isang maganda at maayos na bahay kung saan tayo bubuo ng masayang alaala kasama ang ating pamilya. Ngunit, kailangan natin itong pagsumikapan at pagtrabahuan nang sagayon ay madama natin ang tamis at bunga ng ating pawis at dugo. Napakasarap naman talaga sa pakiramdam magkaroon ng sariling bahay lalo na kung bunga ito ng ating pagsisikap.




Labis nga ang kaligayahan ng Kapamilya actress na si Maja Salvador, dahil ang kanyang pagsisikap ay nagbunga na kung saan ay nakapagpundar siya ng isang napakagandang bahay para sa kanyang pamilya. At matapos nga ang maraming taon ng pangungupahan at palipat-lipat ng bahay, ay nagkaroon na sila ng sariling bahay sa isang subdivision sa Antipolo. Ang bahay na ito ay mula sa kanyang kinita sa kanyang commercial na “RC Cola”, kaya “RC House” ang tawag niya dito noon. Dito nga inilaan lahat ni Maja ang kinita niya mula sa nasabing commercial upang matupad ang dream house ng kanyang pamilya.

Photo credits: Maja Salvador | Youtube Channel       

Ngunit, matapos ang maraming taon, ay ilang ulit na rin itong pinarenovate ng aktres upang mas lalo pang gumanda. At ngayon nga, ay “Casa Andres” na ang tawag ni Maja sa kanyang tahanan na may Modern Tropical na theme.

Photo credits: Maja Salvador | Youtube Channel

Sa latest vlog nga ni Maja, pinaunlakan niya ang matagal ng hiling ng kanyang mga tagahanga na magkaroon ng House Tour sa kanyang bagong renovate na bahay.

Sa vlog ng aktres na pinamagatang “Welcome to Casa Andres” na mapapanood sa kanyang Youtube Channel, ibinahagi ng aktres ang ganda at bawat detalye ng naturang tahanan. Ayon kay Maja, ang Casa Andres ang nagsisilbi nilang family house, at dahil sa muling pagpapatupad ng lockdown at MECQ sa Metro Manila ay dito siya pansamantalang nakatira kasama ang kanyang kapatid.

Sinimulan na ngang nilibot ni Maja ang kanyang tahanan sa pamamagitan ng pagsisimula sa mini garden na makikita sa harapan ng bahay. Mahilig magkaroon ng salu-salo o mag-ihaw ang kanyang pamilya, kung kaya’t niregaluhan ng aktres ng griller ang kanyang kapatid. At ito nga, ay makikita sa kanilang mini garden.

Photo credits: Maja Salvador | Youtube Channel

Dahil nga sa kumakalat na sakit, ay labis rin ang pag-iingat na ginagawa ni Maja, at bago nga tuluyang makapasok sa kanilang tahanan ay may safety protocols siyang ipinapagawa sa mga bisita. Maging sa pagsapit sa malawak at high ceiling na living area ay may nakahanda ring disinfectants at mask para sa mga bisita.

Photo credits: Maja Salvador | Youtube Channel

Upang mas lalo namang maipaliwag ang bawat detalye ng bahay, ay inimbitahan ni Maja ang kanyang kaibigan at interior designer na si Miah Gomez sa kanyang vlog. Ayon nga kay Miah ay may modern tropical theme ang bahay ni Maja dahil sa hilig ng aktres ang magtravel sa magagandang lugar at malaki rin ang pagmamahal ng aktres lalo na sa beach.




Ibinahagi naman ni Maja na ang paborito niyang lugar sa kanilang tahanan ay ang living room dahil sa mataas nitong ceiling. Dito nga madalas tumambay ang aktres upang makapag-relax. Makikita rin sa living area ang mga furniture na talagang bumagay sa konsepto ng bahay. May mga halaman ring mas lalong nagbigay ng kagandahan sa area. Sa isang open cabinet naman nakadisplay ang mga awards ng aktres na bunga ng kanyang husay sa pag-arte bilang isang artista.

Photo credits: Maja Salvador | Youtube Channel

Photo credits: Maja Salvador | Youtube Channel

Pagsapit naman sa dining at kitchen area, makikita ang magandang disenyo nito. At ayon nga kay Maja, ay bagong renovate din ang makikitang disenyo sa naturang lugar na naaayon rin sa modern tropical theme. Dito nga sila madalas mag-almusal at kumain ng kanyang pamilya. Naging libangan na rin ng aktres ang pagluluto kaya naman, isa rin ang kusina sa paborito niyang lugar sa bahay. Sa mga kabinet naman maayos na nakasalansan ang iba’t ibang uri ng koleksiyong mga gamit sa kusina ng aktres.

Photo credits: Maja Salvador | Youtube Channel

Photo credits: Maja Salvador | Youtube Channel

Photo credits: Maja Salvador | Youtube Channel

Ang lanai area naman ay ginawa ni Maja pansamantalang isang gym kung saan siya madalas nag-eehersisyo. Dahil nga sa pandemya at hindi makalabas ng bahay, ay ito ang naisip gawin ng aktres upang makapag-work out at mapanatiling fit and healthy pa rin ang kanyang katawan kahit nasa loob ng kanilang tahanan. Dito nga makikita ang mga gamit pang-ehersisyo. At matapos naman mag-work out ay may nakahandang sauna room na katapat lang ng gym area.




Photo credits: Maja Salvador | Youtube Channel

Samantala, hindi muna ipinakita ni Maja ang pangalawang palapag ng kanyang tahanan. Ito nga gagawin niya kapag umabot na umano ng 1Million ang subscribers ng kanyang Youtube Channel.

“Gusto ko man kayong umakyat, pero ‘wag muna. ‘Pag nag one million na tayo, ‘yan promise ko sa inyo, aakyat na kayo sa aming bahay”.

error: Content is protected !!