Connect with us

Entertainment

Maine Mendoza Sunod Sunod ang Awards na Natatangap

Published

on

Bukod kay Maine Mendoza ay abot hanggang buwan ang kasiyahan ng kanyang mga fans dahil sa sunod sunod nitong natatangap na awards.



Nitong nakaraang sabado lang, Oktubre 12 ay nakatanggap ng tatlong award si Maine sa 9th EdukCircle Awards ito ay ang, Best TV Comedienne para sa kanyang palabas na Daddy’s Gurl, isa sa Most Influential Film Actresses of the Year, at isa sa Most Influential Celebrity Endorsers of the Year.

Hindi pa natatapos dyan ang award na natanggap ni Maine dahil kinabukasan, Oktubre 13, Linggo, kinilala naman sya bilang Best Comedy Actress sa 33rd PMPC Star Awards for TV na ginanap sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila University, Quezon City. Itong award na kanyang natanggap ay para pa rin sa kanyang palabas na Daddy’s Gurl.

Photo credits: pep.ph

Dagdag pa dyan ay nakatanggap din ng Grado A ang pelikula ni Maine at Carlo Aquino na Isa pa with Feeling nitong nakaraanh Oktubre 14 sa Cinema Evaluation Board.



Napangaha din nila ang CEB member na si Bum Tenorio, dahil nagtweet ito na “Maine and Carlo are incandescent and sensitive in their portrayal of their roles as the hearing Mara and deaf Gali.”

Photo credits: mainedcm | Instagram 

Ayon kay Noel Ferrer, hindi na sya nagtataka na magbox office recorda ang movie nila Maine ay Carlo dahil may ibubuga din ito kung pagandahan ang labanan.

Hinihiling din ni Noel na sana kumita ng malaki ang movie nila Maine at Carlo para daw may kasunod ulit ang kanilang tambalan.

Ayon naman kay Gorgy Rula kung ikukumpara sa Hellow, Love Goodbye ang Isa pa with feelings ay mas malakas ang movie ni Alden at Katrin pero umaasa din naman sila na malakas din itong kila Maine at Carlo.

Photo credits: mainedcm | Instagram

Hindi lang pala sa larangan ng pagpapatawa ang kayang gawin ni Maine dahil sa Isa pa with feelings ay nagdrama ito.

Maraming umaasa na susuportahan ni Alden ang Movie ni Maine kagaya ng pagsuporta nito sa movie nya na Hellow Love Goodbye.

error: Content is protected !!