Maine Mendoza Ibinunyag na Nag Audition din Siya Dati sa PBB: “So yun na nga yung chance, pero hindi pa ‘yon yung tamang panahon”

Muling binalikan ni Maine Mendoza ang mga video niya ng minsan siyang sumali at nagaudition para maging Pinoy Big Brother housemate. Ayon kay Maine ginusto niya noon na mapabilang sa mga housemate ni Kuya sa PBB pero hindi naman daw ito pinalad. Dagdag pa niya na may naghikayat lang daw sa kanya na mag-audition nga sa nasabing programa at naisip naman niya na baka ito na nga ang chance niya na mapabilang sa mapapalad na housemate ni kuya.



Ani niya na,

“So yun na nga yung chance, pero hindi pa ‘yon yung tamang panahon”.

Inalala din ni Maine yung mga oras na yun na maaga silang nag-antay at pumili para sa audition pero sa huli ay uuwi pa din daw pala siyang malungkot. Ayon sa kanya ay nagsimula silang pumila ng ala-sais ng umaga hanggang ala-una ng umaga pero okey lang naman daw kasi kahit papaano ay masaya siya sa karanasan niyang iyon.

Ibinahagi naman ni Direk Lauren Dyogi sa kanyang Youtube account ang video ng audition ni Maine Mendoza sa PBB kung saan makikita mo ang neneng nene pa na Maine Mendoza na nagpapakilala ng kanyang sarili. Ani niya,

“Im Maine Mendoza, 20 year-old. I took up Culinary Arts in Lasalle College of Saint Benilde”.

Si Miho Nishida at Jimboy Martin naman ang nanalo ng season nayon ng PBB kung saan nagaudtion si Maine Mendoza. Nagpaliwanag naman ang Head ng TV Entertainment ng ABS-CBN at sinabi nitong,



“Syempre, isang tao lang ako. Marami pang ibang opportunities o avenues para sumikat. Marami na akong misses in the past. Maraming nag-auditon sa akin na hindi ko napansin, pero sikat na sila ngayon”.

Dagdag pa niya na,

“That’s a bad call on my part. But then again, gano’n talaga. Siguro hindi ako ang kanilang kapalaran”.

Sa mga gustong makapanuod ng video ni Maine ay pumunta lang kayo sa Youtube channel ni Direk Lauren Dyogi.