Connect with us

Entertainment

“Mahirap maging Cavite City”: Ai-Ai Delas Alas, Binalikan ang Pait na Naranasan Sa Buhay Pag-ibig Nang Minsang Makipagrelasyon sa Lalaking May Asawa Na

Ilang ulit na ring nabigo at nasaktan ang puso ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas. At minsan na ring nagkamali sa kanyang buhay kung saan ay nagmahal ng labis sa maling tao.

Credits: Ai Ai Delas Alas| Instagram

Hindi na lingid sa kaalaman ng marami na dalawa na ang naunang nakasama ni Ai-Ai sa kanyang buhay, bago pa man dumating sa buhay niya ang asawang si Gerald Sibayan.

“Unang-una, yung makulay kong buhay. Nakailang husband ako bago naging maayos ang buhay ko ngayon kay Gerald.”

Sa kabila ng naranasang pagkabigo at lungkot na dulot sa kanyang puso ng mga naunang pag-ibig, ay hindi mababakas sa komedyana ang anumang pait na naranasan, sa halip nga ay makikita parin ang pagiging masayahin niya.

Sa naging karanasan nga sa pagkabigo sa buhay pag-ibig, ay masaya naman si Ai-Ai na nakamove on na siya at may mga bagay siyang natutunan sa naging karanasan.

Credits: Ai Ai Delas Alas| Instagram

Paglilinaw naman ni Ai-Ai kung nauwi man sa kasawian ang kanyang mga naunang pag-ibig, ay aminado siyang may pagkakamali ring nagawa, at hindi lamang ang mga nakarelasyon ang may kasalanan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ai-Ai sa Lenten special ng “Anong Chika Today?” sa PEP Voice Chat Room sa Calamansi Pinoy Voice Chat App noong Miyerkules, nito lamang Marso 31, 2021, ay kanyang binalikan ang pait ng kabiguan sa pag-ibig at idinetalye ang bawat kaganapan sa buhay niya noog nagmahal siya ng maling tao, isang lalaking may asawa na.

Pag-amin nga ni Ai-Ai ag nagkamali siya sa buhay niya ng ipaglaban niya ang kanyang pagmamahal sa dating asawang si Miguel Vera. Ayon kay Ai-Ai ay huli na niya nalaman na may asawa na pala ito nang ikasal sila noong 1989. At nang malaman nga na may asawa na ito, sa halip na tumigil sa kanilang relasyon, ay ipinaglaban niya umano ito dahil may mga anak sila.

Credits: Ai Ai Delas Alas| Instagram

Ngunit, sa huli nga ay nauwi rin ito sa hiwalayan matapos ang pitong taong pagsasama na natuldukan noong 1996. Ang kanilang pagmamahalan naman noon, ay biniyayaan ng dalawang anak, sina Vito at Sofia.

Dahil nga, ipinilit ang maling pagsasama, ay mabigat na pasanin raw ang kanyang naranasan. Kaya naman, ang bagay na ito ay hindi na niya uulitin sa buong buhay niya.

“Ay, yes. Mahirap maging Cavite City.”Totoo yun, na parang minamalas ka, parang mabigat ang buhay.Yun ang isang natutunan ko. Kailangan hindi ako dumaan dun—although marami akong natutunan.”

Credits: Ai Ai Delas Alas| Instagram

Sa kabila nga ng hirap at kasawian na kanyang ay talagang nasubok ang tibay at tatag ng kanyang loob. Matindi rin ang ginawa niyang pagdarasal at pananampalataya sa Diyos, upang malampasan ang pagsubok na ito sa buhay niya.

Ayon kay Ai-Ai ang mabigo sa pag-ibig ang pinakamasakit na sugat sa kanyang puso. Ngunit, sa kabila nito ay kailangan niyang bumangon at mag-ove on para patuloy na harapin ang buhay.

“Ewan ko kung ako lang ito, pero I think karamihan sa atin, ang usaping pag-ibig ang isa sa pinakamahirap na pinagdadaanan. Sa totoo lang, di ba? Kasi ang pag-ibig, masakit, ‘tapos di mo alam kung saan nanggagaling ang sakit.Sa heart, di mo puwede i-forward na tape recorder. Dadaanan mo siya talaga.”

At ngayon nga, ang lahat ng pait at lungkot na kanyang naranasan ay napawi naman ng kanyang asawang si Gerald na kung saan ay talagang mahal na mahal siya. Sa kabila nga ng 20 taong agwat ng kanilang edad, ay hindi ito naging hadlang upang patunayan ang pagmamahal nila sa isa’t isa na nauwi sa pag-iisang dibdib noong Disyembre 12, 2017.

error: Content is protected !!