Connect with us

Entertainment

Mahigit 100 Cake ang Nagpasaya Pa Lalo sa Pagdiriwang ng Ika-27 Taong kaarawan ng Aktres na si Kiray Celis

Hindi nga maikakaila na napakaraming mga nagmamahal sa aktres na si Kiray Celis. Dahil sa kanyang kaarawan ay talaga namang umaapaw na pagmamahal ang natanggap ng Kapuso actress mula sa lahat ng taong nagmamahal, nagpapahalaga at sumusuporta sa kanya.

Credits: Kiray  Celis | Instagram

Nito lamang nakaraan, ay masayang ibinahagi ni Kiray sa kanyang Instagram account ang umaapaw na pagmamahal na natanggap niya.
Ayon sa Kapuso actress, hindi pa man talagang araw ng kanyang kaarawan ay agad ngang umapaw ng napakaraming cakes para sa kanya, dahil sa mahigit isang daang cakes (100) ang kanyang natangap para sa kaarawan niya.

“More than 100 cakes! Grabe! Hindi ko na-picturan yung iba kasi hindi na siya kasya. Maraming salamat po sa lahat ng pagbati! Sa 29 pa po mimso ang birthday ko. 27 na po ako by that time kaya sana pagbigyan niyo na po magpakita ng cleavage! HAHAHHA!”, ang naging saad ni Kiray sa kanyang IG post.

Credits: Kiray  Celis | Instagram

Sa ika-29 pa nga ng Hulyo ang mismong araw ng kapanganakan ni Kiray o ang kanyang kaarawan, at ayon mismo sa kanya, sa araw na iyon ay tutungtong na siya sa edad na 27.

Makikita sa naging IG post ni Kiray na nasa kanyang harapan ang napakaraming mga customize cakes, kaya naman talagang hindi na umano ito magkasya kapag pinicturan niya.

Credits: Kiray  Celis | Instagram

Hindi naman lihim sa lahat, na ang paboritong characters ng Kapuso actress ay si Sponge Bob, kaya naman karamihan sa mga cake design na kanyang natanggap ay may disenyong Sponge Bob at ang iba naman ay Stitch. Mayroon ding cake na ang spelling ng buong pangalan ni Kiray ang naka-disenyo.

Mababasa naman sa naging caption ni Kiray ang naging pagbibiro nga niya, na sana naman ay payagan na siyang ibahagi ang kanyang mga daring photo, dahil nasa tamang edad na rin naman siya.

Credits: Kiray  Celis | Instagram

Samantala, matatandaan na naging usap-usapan si Kiray sa social media kamakailan lamang, at ito nga ay dahil sa mga kumalat niyang larawan kung saan ay napaka-seksi niya at kitang-kita nga ang hubog ng kanyan pangangatawan.

Ang larawan na ito ni Kiray ay ‘yung nakasuot siya ng kanyang white top na talaga namang nagpalitaw ng kanyang alindog bilang isang babae.
Maliban naman sa napakaraming mga cakes na natanggap ni Kiray, ay ibinahagi rin niya sa kanyang IG post ang sorpresa sa kanya ng boyfriend niya si Stephen Estopia. Binigyan nga si Kiray ng boyfriend niya ng maraming bulalak at lobo, na may kasama pa ngang branded slip-ons, kaya naman hindi niya napigilan ang kiligin at makaramdam ng sobrang kaligayahan.

Credits: Kiray  Celis | Instagram

Kalakip naman ng larawan na ito na ibinahagi ni Kiray ay ang caption niya, kung saan ay sinabi nga niyang ngayon sa kanyang buhay pab-ibig ay masasabi niyang nasa tamang tao na siya.

“Araw-araw Valentine’s day kapag nasa tamang tao ka. Grabe naman yung surprise mo sakin. Nakalimutan kong birthday ko nga pala! HAHAHHA! Thank you so much, @stephen.estopia![red heart emoji] I love you!!!”

error: Content is protected !!