Connect with us

Entertainment

‘Mahal na mahal ka ni Tutoy’: Vice Ganda, May Sweet na Mensahe para sa Kaarawan ng Kanyang Boyfriend na si Ion Perez

Nito lamang ika-27 ng Nobyembre, araw ng Biyernes nang masayang ipagdiwang ng modelo at It’s Showtime mainstay na si Ion Perez ang kanyang ika-30th Birthday. Sa espesyal na araw na ito ni Ion, ay hindi pinalampas ni Vice Ganda na iparating ang kanyang pagmamahal sa nobyo sa pamamagitan ng isang nakakaantig at sweet na mensahe.




Sa Instagram, ay masayang ibinahagi ni Vice ang kanyang mensahe kung saan ay mababakas ang labis na pagmamahal sa nobyong si Ion. Kalakip ang larawan ni Ion, at larawan nilang magkasama, ay inilahad ng Unkabogable star ang kanyang sweet na mensahe para sa nobyo.

Photo credits: JoseMarieViceral | Instagram

Ayon nga sa post ni Meme Vice, ay hindi niya alam kung ano ang caption na ilalagay niya sa kanyang post gamit ang bonggang mga salita. Dahil nang dumating umano ito sa buhay niya, ay naging pinakamaganda ang pinakasimple.

“Di ko alam kung anung caption ang ilalagay ko. Gusto kong mag-isip ng bonggang mga salita. Pero hindi, eh. Nung dumating ka naging pinakamaganda kung ano ung pinakasimple. Kung ano ung totoo, ‘yun ang maganda. Kung ano yung sinsero, ‘yun ang maganda. Kaya ‘di ko na aartehan.”

Photo credits: JoseMarieViceral | Instagram

Binati ng buong puso ni Vice si Ion sa kaarawan nito na kung saan ay tinawag niya sa pangalang Benigno. Ang tanging hangad naman ni Vice para sa kaarawan ni Ion ay ingatan at alagaan ito ng Diyos na kung saan ay magkaroon ng matiwasay na buhay. Hiniling rin ni Vice na nawa’y bigyan pa sila ng mahabang panahon na magkasama upang mas lalo pa niyang iparamdam ang pagmamahal rito.

“Happy birthday Benigno!!! Araw araw magdadasal ako kay Lord na alagaan at ingatan ka niya. Na ipahintulot Niyang maging matiwasay ka sa lahat ng oras. At sana bigyan Niya pa tayo ng mahabang panahong magkasama. Kasi gusto kong makapiling ka pa. Gusto kong mapasaya pa kita. Gusto kong mahalin mo pa. Gusto kong mahalin ka pa. Dahil tuwing mahal kita doon ako masigla at masaya. At hangga’t mahal kita yung mundo ko mananatiling maganda.”

Sa huli nga, ay binigkas ni Vice kung gaano niya kamahal ang nobyo.

Photo credits: JoseMarieViceral | Instagram

“Happy birthday Noy!!!!! Mahal na mahal ka ni Tutoy!”

Unang kinumpirma ni Vice ang relasyon nila ni Ion noong 2019, matapos ang kanyang “Magpasikat” performance sa It’s Showtime. Hindi man naging madali ang pinagdaanan ni Vice at Ion upang ipaglaban ang kanilang relasyon, sa huli ay nasumpungan naman nila ang isang tunay at wagas na pagmamahal na ang tanging hatid ay kaligayahan. At noong nakaraang Oktubre nga ay masayang ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang 2nd anniversary bilang magkasintahan.




Photo credits: JoseMarieViceral | Instagram

Sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo ay may handog na regalo si Vice para kay Ion. Ito nga ay isang kanta na kanyang ginawa sa tulong ng kaibigang singer-song writer na si Moira dela Torre, ito ang kantang pinamagatang “Mahal Ako ng Mahal Ko.”

error: Content is protected !!