Connect with us

Entertainment

Magkasintahang Sina Xian Lim At Kim Chiu, Ipinasilip Ang Kanilang Masayang Pagdiriwang Ng Valentine’s Day Sa Balesin

Ang Pebrero 14, ay araw na talagang kinasasabikan ng magsing-irog at dalawang pusong nagmamahalan, mag-asawa man o magkasintahan. Napakaespesyal ng araw na ito para sa dalawang pusong nagmamahalan para ipadama ang pag-ibig sa isa’t isa sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo at surpresa.

CREDITS: Xian Lim| IG

Marami nga sa atin ang kinilig matapos masaksihan ang mga pasabog ng ating mga idolong artista kung paano nilang ipinagdiwang ang Valentine’s day. Bawat couple nga ay may kanya-kanyang pagbati sa kanilang minamahal, at hindi rin siyempre nawala ang pagbibigay ng bouquet of flowers and chocolates.

CREDITS: Xian Lim | IG

Kung ang ilang celebrity couples, ay ipinagdiwang ang Valentine’s day sa pamamagitan ng isang romantic dinner date, ang magkasintahang sina Xian Lim at Kim Chiu, ay isang masayang bakasyon sa Balesin ang naging ganap.

CREDITS: Kim Chiu | IG

Marami nga sa mga tagahanga ang KimXi ang kinilig matapos surpresahin ni Xian ang kanyang girlfriend na si Kim noong nagdaang Valentine’s day. Hindi naman inaasahan ni Kim na para sa pagdiriwang ng Valentine’s day para ngayong taon ay dadalhin siya ni Xian sa isang private resort, at ito nga ay sa Balesin Island Club na matatagpuan sa Quezon Province.

CREDITS: Kim Chiu | IG

Labis nga ang tuwa ni Kim sa surpresang handog ng aktor. Kaya naman, ipinaabot niya ang kanyang pasasalamat kay Xian sa pamamagitan ng isang Instagram post. Sunod-sunod nga ang pagbabahagi ni Kim ng mga larawan at video sa Instagram, kung saan makikita ang masaya nilang pagdiriwang ng Valentine’s day sa napakagandang isla ng Balesin.

CREDITS: Kim Chiu | IG

“Happy Valentines Day from us to you!. Thank you xi! You never fail to amaze me. xianlimm #always”

Makikita nga sa mga larawan at video na ibinahagi ni Kim sa kanyang Instagram account, na maliban sa kanyang natanggap na bouquet of roses, at isang intimate dinner, ay masaya rin silang nagbonding sa beach. Makikita nga na enjoy na enjoy sila sa pagkuha ng kanilang mga larawan, habang masisilayan sa kanilang likuran ang ganda ng tanawin na hatid ng sunset. Sa ilang larawan naman, ay masisilayan ang nag-uumapaw nilang kasweetan na nagpapatunay ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

CREDITS: Xian Lim | IG

Sa hiwalay naman post sa Instagram, ay pinasalamatan ni Kim ang kanyang boyfriend na si Xian sa pagbibigay sa kanya ng isa na namang unforgettable memories ngayong taon para ipagdiwang ang Valentine’s day.

CREDITS: Kim Chiu | IG

“VALENTINES DAY BE LIKE!!!! lels. Thank you for coming into my life!!! For making me laugh often and feel loved all the time. Cheers to more sunsets, goofy photos and memories to share together.HAPPY VDAY”

“PS wala po talagang nasaktan sa series of photos nato. Happy Valentines Day Everyone! Celebrate Love and Kindness not just today but everyday!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

error: Content is protected !!