Connect with us

Entertainment

Magkasintahang Sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Nakasamang Mag-camping Sina Sofia Andres at Daniel Miranda sa Pagdiriwang Ng Valentine’s Day

Nagmistulang double date ang selebrasyon ng Valentine’s day ng magkasintahang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ito nga ay dahil nakasama nila sa espesyal na pagdiriwang ng araw ng mga puso ang aktres na si Sofia Andres at partner nitong si Daniel Miranda.

Photo Credits: Kathryn Bernardo| IG

Kung ang ilang sikat na celebrities, ay may kanya-kanyang pakulo para mapaligaya ang kanilang mahal sa araw ng valentine’ s day, hindi rin nga nagpahuli ang magkasintahang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ngunit, hindi tulad ng nakasanayang date sa isang mamahaling restaurant o resort, mas pinili ng celebrity couple na mag-camping para ipagdiwang ang Valentine’s day.

Photo Credits: Daniel Miranda| IG

Para rin sa pagdiriwang ng Valentine’s day, ay nakasama naman nila ang kanilang mga kaibigan na sina Sofia Andres at Daniel Miranda kung saan sila ay nagcamping sa Airstream, ito ay isang kilalang camping brand ng van sa Amerika.

Sa kanyang Instagram account ay ipinasilip ni Kathryn ang masayang kaganapan sa kanilang camping. Nilakipan naman niya ito ng simpleng caption na:

Photo Credits: Sofia Andres| IG

“V Day 2022”

Nagbahagi rin si Sofia sa kanyang Instagram ng isang maikling video, kung saan ay ipinasilip naman niya ang loob ng camping van. Masisilayan nga na napakakomportable sa loob nito, at may maganda ring disenyo.

Photo Credits: Sofia Andres| IG

Samantala, makikita naman na talagang napakaganda ng ideyang naisip ng magkasintahan, dahil bukod sa napakaganda ng lokasyon para sa kanilang camping at nakakarelaks din dito.

Maliban naman sa masayang camping, ay nauna nang sinurpresa ni Daniel ang kasintahang si Kath ng bouquet of flowers, pati na rin ang ina nito na si Mommy Min ay binigyan rin ng aktor ng bulaklak.

Photo Credits: Sofia Andres| IG

Hindi naman maipagkakaila ang kasweetan ni Daniel sa kanyang nobya. Walang duda kung bakit isa sila sa labis na kinakikiligang couple, hindi lamang sa tunay na buhay kundi pati na rin sa telebisyon. Patuloy naman nilang pinapakilig ang kanilang mga fans sa kanilang wagas na pag-ibig sa isa’t isa. At sa darating na Mayo nga, ay ipagdiriwang ng KathNiel ang kanilang ika-10 taong anibersaryo bilang magkasintahan.

Photo Credits: Sofia Andres| IG

Hindi rin naman magpapahuli ang magpartner na sina Sofia Andres at Daniel Miranda, pagdating sa tamis ng pag-ibig sa isa’t isa. Sa katunayan nga nito, ang kanilang pagmamahalan at masayang pagsasama ay biniyayaan na ng isang napakacute na anak, si Zoe. At makikita naman ang kanilang pagiging mapagmahal at responsableng magulang sa kanilang anak. Taong 2017 nang isapubliko ni Sofia ang relasyon nila ni Daniel, at noong taong 2020 sa pagdiriwang ng Father’s day ay ginulat ng aktres ang publiko matapos ibunyag na sila’y may anak na.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

error: Content is protected !!