Connect with us

Entertainment

Magkasintahang Sina Dominic Roque At Bea Alonzo, Pinakilig Ang Kanilang Mga Fans Matapos Ibahagi Ang Kanilang Love Story

Ang buwan ng Pebrero ay buwan naman talaga na puno ng pagmamahalan. At tuwing ika-14 ng Pebrero ay ipinagdiriwang nga ang araw ng mga puso. Kaya naman, talagang marami na ang excited sa pagsapit ng espesyal na araw na ito.

Photo Credits: Bea Alonzo | YT

Sa epesyal na araw na ito ay may inihandang vlog ang aktres na si Bea Alonzo kung saan nga ay tampok ang nakakakilig na love story nila ng kanyang boyfriend na si Dominic Roque. Sa nasabing vlog ay ibinahagi nga ng celebrity couple kung paano nagsimula ang kanilang love story, at ilan pang nakakakilig na kaganapan sa kanilang relasyon.

Photo Credits: Bea Alonzo | YT

Ang kanilang pag-iibigan na nagsimula sa pagkakaibigan ay talaga namang may nakakakilig na kwento. Sa nasabing vlog ay mapapanood ang pagsagot ng ramdom question na inihanda para sa celebrity couple.

Photo Credits: Bea Alonzo | YT

Nabunyag naman sa nasabing vlog na sa unang beses nilang pagkikita, ay nalaman ni Bea na crush pala siya ni Dom matapos silang ipakilala ni Vice Ganda sa isa’t isa. Ang kanilang unang pagkikita ay naganap noong 2016 matapos nilang dumalo sa isang event.

Photo Credits: Bea Alonzo | YT

Isa naman sa mga katanungan naghatid ng kilig sa kanilang mga fans ay “When was our first kiss?” Hindi naman nagdalawang isip si Bea na agad itong sagutin upang ibahagi sa kanilang mga tagahanga. Pag-amin nga ni Bea, ay naganap ang kanilang first kiss sa bahay nila. At ang gumawa nga ng first move ay si Bea. Masaya ngang ikinuwento ni Bea ang totoong nangyari sa kanilang first kiss, at mapapansin na kilig na kilig naman ang aktres habang nagkukwento.

Photo Credits: Bea Alonzo | YT

“Ganito kasi ‘yung nangyari, oo kiniss ko siya. Inumaga kami, hinatid niya ako sa bahay and ang sakit ng paa ko noon kasi nagsuot ako ng heels buong araw tapos kinuha niya ‘yung paa ako at minasahe niya.”

“Basta parang nakatayo na kami noon and tapos kiniss ko siya. Tapos nu’ng una pa ganito ‘yung kiss niya [parang nag-aalangan]. [Naisip ko] parang nagkamali ata ako, bakit ko siya kiniss ganyan. Tapos nag-pull back ako, tapos kiniss niya na ako ng totoong kiss kasi parang natawa ako.”

Aminado rin ang magkasintahan na noong nagbakasyon sila sa US ay mas lalo pa nilang nakilala ang isa’t isa. At ibinunyag naman na bagama’t may mga bagay silang hindi nagkakasundo noong sila’y nagbakasyon ay mas lalo naman nilang minahal ang isa’t isa matapos nito.

Photo Credits: Bea Alonzo| IG

Hindi naman talaga maitago ni Bea ang kilig habang binabalikan ang kanilang nakakakilig na love story. Kitang-kita naman sa magkasintahan kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Photo Credits: Bea Alonzo| IG

Matatandaan na noong nakaraang taong 2021 buwan ng Agosto nang isapubliko ni Bea ang kanilang relasyon ni Dom sa isang panayam kay Nelson Canlas sa programang 24 Oras. Patuloy naman naghahatid ng kilig sa kanilang mga fans sina Bea at Dom. Noong ika-28 ng Enero ay masaya naman nilang ipinagdiwang ang kanilang first anniversary.

error: Content is protected !!